top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Si Hesus, Ang Propetang Makapangyarihan sa Salita at Gawa

Jan 28 | Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

📖 Pagbasa: Marcos 1:21-28


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


Noong panahong iyon, si Hesus at ang mga alagad at nagpunta sa Capernaum. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. Namangha ang mga tao sapagkat nagturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, at hindi tulad ng mga eskriba.

Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng masamang espiritu, at sumigaw: “Ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita: ikaw ang Banal na mula sa Diyos!” Ngunit iniutos ni Hesus sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” Pinapangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumisigaw na lumabas. Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinusunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.




🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️


Pagmamasid

Isipin mo ang isang taong hinahangaan at lubos na nakukuha ang iyong respeto. Isang taong may buo kang paggalang kaya’t napakadali mong sumunod sa lahat ng kanyang sasabihin. Buo ang puso mong naniniwala na ang lahat ng kanyang payo ay para sa ikabubuti ng buhay mo. Ganito inilalarawan si Hesus sa sipi ng Ebanghelyo ngayong linggo kung saan ipinakita Niya di lamang ang Kanyang kagila-gilalas na karunungan ngunit ang kapangyarihan Niyang magpasunod kahit na sa masamang espiritu. 


“Nanggilalas ang lahat, kaya’t sila’y nagtanungan, “Ano ito? Bagong aral? Nauutusan niya pati ang masasamang espiritu. At sinusunod naman siya!” At mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Hesus. Marcos 1:27-28

Paghahawi

Si Hesus ay natungo sa sinagoga upang mangaral. Nagulat ang mga tao sa Kanya sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng batas. May dumating na taong inaalihan ng masamang espiritu. Pinalayas ni Hesus ang masamang espiritu at ito’y sumunod sa Kanya. 


Pagtatabas

Paano mo tinatanggap si Hesus sa buhay mo? Makabuluhan pa ba sa iyo ang Kanyang mga pangaral at turo?


Pagsasaayos

Talagang kahanga-hanga ang kapangyarihan ni Hesus sa Salita at sa gawa. Ipinamalas na Niya ito noong siyang nabubuhay 2000 taon na ang nakalipas. Kung tutuusin ay 3 taon lamang Siya nangaral sa mga tao bago Niya ibinuwis ang buhay para sa ating lahat. 


Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin si Hesus sa ating panahon. Sa ating pagsisimba, sa pagdadasal, sa pakikitungo natin sa ating kapwa ay nakikita natin Siya. Mararanasan mo ang init ng Kanyang pagmamahal sa mga taong nagpapamalas sa ating ng kabutihan. At sa bawat pagtanggap natin ng mga Sakramento ay ipinararamdamn Niya sa pamamagitan ng mga pari, relihiyoso at sa iba pang layko ang Kanyang kapangyarihan na magbasbas, magpalayas ng Espiritu at maghatid ng pagbabago sa buhay nating mga Katoliko. 


Pagdiriwang

Anong mga sakramento ang tinatanggap mo? Paano mo maipapalaganap ang kanyang Salita at gawa sa iyong kapwa? 


I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com 


Sources: 

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Espirituwal na pag-gabay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.

_______________________________________________________________


43 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page