Bilang mga Katoliko ay may iba't ibang mga debosyon tayong maaaring sundan sa loob ng isang linggo. Narito ang ilang mga panalanging maaari nating gamitin.
Lunes | Panalangin sa Hanap-buhay
Lunes ang karaniwang simula ng paghahanap-buhay ng ating mga magulang o nakatatanda. Idulog natin kay San Jose, patron ng manggagawa ang kanilang kapakanan habang nasa trabaho
Martes | Santa Clara ng Assisi
Santa Clara ng Assisi, patrona telebisyon, mass media, magandang panahon, humihiling ng anak, maginhawang pagbubuntis at panganganak, Ipanalangin mo kami!
Miyerkules | Ina ng Laging Saklolo
Ilapit natin sa ating mahal na Ina ang ating mga ipinagdadasal sa Ama
Huwebes | San Judas Thadeo
Si San Lorenzo Ruiz ay patron ng kabataang Pilipino at ng mga Overseas Filipino Workers. Ipagdasal natin ang lahat ng mga mahal natin na ngayo’y nasa malayong lugar at wala sa piling ng kanilang pamilya.
Huwebes | San Lorenzo Ruiz
Si San Lorenzo Ruiz ay patron ng kabataang Pilipino at ng mga Overseas Filipino Workers. Ipagdasal natin ang lahat ng mga mahal natin na ngayo’y nasa malayong lugar at wala sa piling ng kanilang pamilya.
Biyernes | Panalangin sa Hesus Nazareno
Ilapit natin sa ating mahal na Poon ang ating mga panalangin.
Biyernes | Kabanal-banalang Puso ni Hesus
Nag-aalab ang Puso ni Hesus para sa ating mga tao, ilapit natin sa Kanya ang ating mga sakit at karamdaman
Sabado | Kalinis-linisang Puso ni Maria
Katambal ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus ang Kalinis-linisang Puso ni Maria. Sinong ina ang makatitiis sa kanyang mga anak? Ilapit natin sa ating mahal na ina ang ating mga panalangin!