top of page

Our Lady of Mount Carmel
at Brown Scapular

2023 Carmel.jpg

Ang Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 16. 

2023 Hindi Anting-anting.jpg

Hindi anting-anting ang scapular. Tignan sa infographic ang mga gabay sa pag-suot ng scapular. 

💡 #AlamMoBa |The Brown Scapular | Nakapag-suot ka na ba ng Brown Scapular? 

 

Mahigit 7 siglo na ang debosyong ito sa Mahal na Birhen ng Carmelo. Noong taong 1251 ay nagpakita ang Mahal na Ina kay St. Simon Stock na isang Carmelite. Ayon sa kanya ay inabutan siya ng Birheng Maria ng Carmelo ng scapular na gawa sa wool o lana kasama ang pangako para sa lahat ng Carmelite na ang sinuman ang mamatay na suot ang scapular ay hindi magdurusa sa walang hanggang apoy ng impyerno. Kalaunan ay pinayagan na ang mga layko na magsuot ng scapular upang makinabang sa pambihirang pribilehiyong ito. 

 

Hindi anting anting o mahika ang scapular. May mga pamantayang kailangang masunod upang maging mabisa ang pangakong ito:

 

(1) Kailangang kang enrolled o nakatala sa mga carmelo at nabendisyunan ng pari ang iyong scapular.

 

(2) Ang Scapular ay gawa sa tela at hindi nababalutan ng plastic. Ang Scapular ay dapat palaging naka-kuwintas sa leeg (hindi naka-pin sa damit). Ang isang bahagi ay nasa dibdib at ang kabilang bahagi naman ay nasa likod. 

 

(3)  Panatilihin ang kalinisan ng puso at katawan may-asawa man o wala.

 

(4)  Magdasal ng Rosaryo araw-araw

🙏 PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG BUNDOK NG CARMELO

 

Santa Maria, Mahal na Birhen ng bundok ng Carmel, nagpakita ka kay San Simon Stock, upang gabayan kami sa aming paglalakbay sa lupa at bigyan ng pag-asa sa aming buhay lalo na sa oras ng paghihirap at tiisin. 

 

Inihahandog nanamin sa iyo ang aming sarili at kalooban. Pagpalain mo at gabayan ang aming mahal sa buhay, pamilya at bayan. Itinataas namin sa iyong pamamagitan ang aming saya at kalungkutan, tagumpay at kabiguan, kasaganahan at kahirapan, kalusugan at karamdaman. Maialay nawa ito sa iyong anak na si Hesus upang magkamit para sa amin ng mga pagpapala. 

 

Isinasamo namin, O katmis-tamisang Ina, na lagin mo kaming samahan. (Banggitin ang sariling kahilingan) Huwag mo kaming iiwan at pabbayaan lalo na sa panahon ng pagsubok at kapighatian. Sa sandali ng aming kamatayan pangunahan mo kami sa iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon at kaligtasan. Amen. 

 

MAHAL NA BIRHEN NG CARMELO... Ipanalangin mo kami. 

bottom of page