top of page

the 5-finger prayer

Alam mo ba na isa sa mga pinakamabisang paraan upang tayo ay magdasal ay ang paggamit ng 5-Finger prayer? Sa tulong nito ay maipagdadasal natin ang ating kapwa at hindi lamang ang ating mga sariling kahilingan. Ginawa ito ni Pope Francis hindi pa man siya noon nagiging santo papa!

​

1. Hinlalaki o thumb - Panalangin para sa mga mahal sa buhay

​

Pinakamalapit sa ating puso ang ating hinlalaki kaya't inilalaan ito upang ipagdasal ang mga mahal natin sa buhay tulad ng ating pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. 

​

2. Hintuturo o pointer finger - Panalangin para sa mga gumagabay sa ating buhay

​

Ginagamit ang hintuturo upang magturo ng direksyon o landas kaya't inilalaan natin ito para sa mga taong gumagabay sa atin tulad ng mga guro o kaya ng mga pari at madre. 

​

3. Hinlalato o middle finger - Panalangin para sa mga lider at may katungkulan

​

Ang hinlalato o middle finger ang pinakamaaas sa lahat ng mga daliri kaya'y inilalaan sa mga leader ng bansa o ng ating lugar tulad ng presidente, mga mambabatas, mayor, at tigapaglingkod sa baranggay. Maaari din natin ipagdasal ang mga lider ng organisasyon o kaya ang mga head ng kumpanya.

​

4. Palasingsingan o Ring finger - Panalangin para sa mga maysakit at mahihina

​

Ang palasingsingan ang pinaka mahina sa lahat ng mga daliri kaya't ipinagdadasal natin dito ang mga may sakit, nalulungkot at may dinadamdam

​

5. Hinliliit o little finger - Panalangin para sa sarili 

​

Ngayong naipagdasal mo na ang iyong kapwa ay ilaan ang pinakamaliit na daliri para sa ating mga pansariling pangangailangan. Ipagdasal din natin na lumago ang ating pakikipag-ugnayan kay Kristo at lumalim ang pananampalataya sa Diyos. Huwag kalimutang magpasalamat para sa lahat ng biyayang ating natanggap. 

​

​

5 Finger Prayer.jpg
bottom of page