top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Pentekostes: Kaarawan ng Simbahan


đŸ”„đŸŽ‚ Happy Birthday sa ating Simbahan! | Alam mo ba ang Linggo ng Pentekostes ay kaarawan din ng ating Simbahang Katolika? Ngayon ang kaganapan ng misyon ni Hesus kung saan naisakatuparan ang pagbibigay Niya ng mahalagang regalo sa Kanyang mga apostoles. Ang regalong ito ay ang Espiritu Santo!  Simula noong bumaba ang Espiritu Santo sa kanila ay nakapagsalita na sila sa iba't ibang wika at nabalot sila ng kakaibang lakas at tapang na humayo't ipagpatuloy ang misyon ni Hesus sa iba't ibang panig ng mundo!


📖 #AyonSaBibliya | "Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu." Mga Gawa 2:2-4



🎁 Alamin natin ang mga regalong dala ng Espiritu Santo sa atin. Sa ating maliit at simpleng paraan, paano natin ito magagamit upang tulad ng mga apostoles ay maipagpatuloy natin ang misyon ni Hesus.

 

🙏 Panalangin sa Espiritu Santo

Halina Espiritu Santo, punuin mo ang mga puso ng mga nananalig sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang apoy ng iyong banal na pag-ibig.

Ipadala mo ang iyong Espiritu at sila’y malilikha, at sa gayo’y mapaninibago mo ang mukha ng mundo.


Manalangin tayo.

O Diyos, na sa liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan ang mga puso ng mga mananampalataya, ipagkaloob mo na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, ay ibigin namin kung ano ang wasto at makatarungan at sa tuwina’y magalak sa kanyang pagkilos na nakapagdudulot ng ginhawa sa aming loob.

Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.



Source: Awitatpapuri.com, Kalendaryo ng Katesismong Katoliko CFAM, Archdiocese of Manila, http://sugarlandcatholic.com/

45 views0 comments

Comments


bottom of page