top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita kay Santa Maria Goretti

Araw ng Kapistahan: July 5

Patron ng mga biktima ng rape, biktima ng karahasan at mga dalaga


Siyam na taong gulang pa lamang si Santa Maria nang maulila sa ama. Lumipat silang mag-iina at kapatid sa isang building kung saan may nakatira ring mag-ama. Ang pangalan ng anak ay si Alessandro na noo'y 20 taong gulang na.


Matagal nang pinagnanasahan ni Alessandro si Santa Maria kaya't siya'y takot sa kanya. Nung minsang natiyempuhan siyang nag-iisa ay tinangka siya gahasain ni Alessandro ngunit siya'y nanlaban dahil para sa kanya ay mahalagang pangalagaan ang kanyang kalinisang ipinagkaloob ng Diyos. Dahil dito ay sinaksak siya ni Alessandro nang 14 na beses.


Sinabi ni Santa Maria sa kanyang ina na pinatatawad niya si Alessandro at tumanggap ng komuniyon bago mamatay.


Hinatulan namang makulong ng 30 taon si Alessandro. Ang sabi niya, ilang beses daw siyang binisita ni Santa Maria sa kanyang panaginip at binibigyan ng bulaklak (lilies). Kalaunan ay nagbagong buhay siya at nang makalabas ng kulungan ay pinuntahan ni Alessandro ang nanay ni Maria upang humingi ng tawad.


🙏 Manalangin tayo...

O munting Santa Maria Goretti, tulungan mo kaming maging mapagpatawad. Tulungan mo kaming panatilihing dalisay ang aming pagkatao tulad mo. At ipinapanalangin din namin ang lahat ng biktima ng karahasan lalo na ang mga hinalay, na sila ay makatagpo ng hustisya at kapayapaan. Amen.




18 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page