top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan nina San Pedro at Pablo

Sabay nating ginugunita tuwing June 29 ang Kapistahan ng San Pedro at Pablo, mga haligi ng pananampalataya na siyang mga unang tagapagpalaganap ng Kristiyanismo sa mundo!


Parehong naging martir si San Pedro at Pablo sa pag-uusig ni Nero. Si San Pedro ay ipinakong pabaligtad at si San Pablo naman ay pinugutan ng ulo. Malaki ang naging papel ni San Pedro at Pablo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.



Si St. Peter o Pedro ay isa sa mga Apostoles ni Kristo at kauna-unahang Obispo ng Roma. Noong makilala ni Hesus ang noo'y si Saul ay nakitaan na Niya ng malaking potensyal na magiging matatag siyang pinuno balang-araw. Pinalitan ni Hesus ang pangalan ni Saul at ginawang Peter o Pedro na ang ibig sabihin ay "rock". Ito aniya ang magiging pundasyon ng Kanyang simbahan.



Si St. Paul o Pablo naman ay ipinanganak na Saul din ang pangalan. Noong una ay inuusig niya ang mga sinaunang Kristiyano at nais niyang talikuran nila si Hesus. Nang minsan ay papunta siyang Damascus, nagliwanag ang langit at siya'y nabulag! May tinig siyang narinig mula sa langit na ang sabi "Saul, Saul, bakit mo ako inuusig?" Ito ang tinig ni Hesus. Makalipas ang 3 araw ay pinuntahan siya ng isa sa mga disipolo ni Hesus at bininyagan. Siya ay napuspos ng Espiritu Santo at nanumbalik ang kanyang paningin! Binansagan siya ng mga taong Paul bunsod ng kanyang pagbabago.


Sa sermon ni San Agustin ay sinabi niya ito:

"Both apostles share the same feast day, for these two were one; And even though they suffered on different days, they were as one. Peter went first, and Paul followed. And so we celebrate this day made holy for us by the apostles' blood. Let us embrace what they believed, their life, their labors, their sufferings, their preaching, and their confession of faith." (Sermon 295)

🙏 Manalangin tayo...


Ama naming makapangyarihan, bigyan kami ng pag-asa sa tulong ng mga panalangin nina Apostol San Pedro at San Pablo. Ang mga apostol nawang nagpatatag sa pananampalataya ng bagong silang na Simbahan ang gumabay sa amin sa daan ng kaligtasan, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

SAN PERO AT SAN PABLO, Ipanalangin n'yo kami!


Sources:

25 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page