š¦š Gabay sa Pagninilay at Katekesis āļø
Tanggihan ang mga Basyong Pangako ng Demonyo
Ebanghelyo ngayong Linggo: Mateo 4:1-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon: si Hesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabi nag-ayuno si Hesus, at siyaāy nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, āKung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang mga batong ito.ā Ngunit sumagot si Hesus, āNasusulat, āHindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.ā
Pagkatapos nitoāy dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lungsod. āKung ikaw ang Anak ng Diyos,ā sabi sa kanya, āmagpatihulog ka, sapagkat nasusulat, āIpagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,ā āAalalayan ka nila, upang hindi ka matisod sa bato.āā Sumagot si Hesus, āNasusulat din naman, āHuwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.āā
Pagkatapos, dinala din siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula rooāy ipinatanaw sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan at ang kayamanan ng mga ito. At sinabi ng diyablo, āIbibigay ko sa iyo ang lahat ng ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.ā Sumagot si Hesus āLumayas ka, Satanas! Sapagkat nasusulat, āAng iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo; Siya lamang ang iyong paglilingkuran.āā
At iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
A. Pagmamasid
Ngayon ang unang linggo ng Kuwaresma. Ang Kuwaresma o Lent ay ang 40 araw na paghahanda natin para sa pasyon, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Hango ito sa apatnapung araw na inilagi ni Hesus upang magdasal sa malayong lugar. Habang nagdadasal ay dumating ang diyablo upang tuksuhin si Hesus. Dahil sa siyaāy nagugutom, ang isang panunukso ay ang paggawa ni Hesus ng tinapay mula sa bato. Kung ikaw ay walang pera at inabutan ng gutom sa harap ng isang tindahan na walang nagbabantay, kukupit ka ba ng kaunti para maibsan ang iyong gutom? Kung wala kang perang pambili ng regalo sa iyong nanay o tatay at nakita mong may nakakalat na pera sa lamesa, kukunin mo ba ito at ipambibili sa tindahan? Di ba parang iisipin natin, biyaya na yan na walang nakakakita kayaāt maaarin nating gawin ang nais natin! Ganito rin ang nangyari kay Hesus diba? Ano ang ginawa Niya para malabanan ang tukso?
B. Paghahawi
āNasusulat, āHindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.ā Mateo 4:4
Pag-ugnay sa Ebanghelyo
Tulad nating mga tao, si Hesus man ay tinukso ng demonyo. Kung susuriin ay parang napakadali lang ipakita sa demonyo ang angking kapangyarihan ni Hesus bilang Anak ng Diyos! Ngunit di tulad ng mga unang tao na nagpadala sa tukso, nilabanan Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng Salita ng Diyos.
C. Pagtatabas
Ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay tinutukso na gumawa ng masama? Saan ka humuhugot ng lakas para labanan ang kasamaan?
D. Pagsasaayos
Tunay na makapangyarihan ang Salita ng Diyos dahil naipanlalaban natin ito sa kasamaan! Nagagamit mo ba ang Banal na Kasulatan para panghugutan ng lakas at pag-asa? Kailan ka huling nagbasa ng bibliya? Madalas tayong nahaharap sa pagsubok at tukso. Ibinigay na sa atin ni Hesus ang lahat ng kailangan natin upang maging matatag sa pananampalataya. Sadyang napakadaling basahin at alamin ang mga dapat nating gawin ngunit sa totoo, lalung lalo na kapag lubos na ang ating paghihirap na dinadanas ay lumalabas ang ating kahinaan. Sa mga panahong tayo ay pinanghihinaan ng loob, kumapit tayo sa Kanya, hindi lamang sa pagdadasal ngunit sa pagbabasa ng Kanyang mga Salita upang magtagumpay.
E. Pagdiriwang
Isipin at pagnilayan ang inyong mga āpaboritong kasalananā o ang mga kasalanang madalas tayong nahuhulog sa tukso. Ano ang pwede mong gawing saksripisyo upang labanan ito?
Humanap ng magandang talata o pag-basa sa Bibliya na magsisilbing gabay at lakas sa mga panahon ng kahinaan.
I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito mula sa ating FB page na www.fb.com/katolago o sa www.katolago.com
Sources:
Yaman ng Salita, Word and Life Publications
Paghahawan, Diocese of Novaliches
Pagninilay sa gabay ni Rev. Fr. NiƱo Etulle, SCJ
Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi Ā© Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.
Comments