top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Panawagang Mamuhay sa Isang Buhay-Alagad

Feb 18 | Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay

📖 Pagbasa: Marcos 1:12-15



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


Noong panahong iyon, si Hesus ay agad pinapunta ng Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Hesus ay pinaglilingkuran ng mga anghel.


Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️


Pagmamasid

Ano ang ginagawa natin kapag buong tayong naglaro sa labas at tayo’y madungis at pawis na pawis? Hindi ba’t tayo’y maliligo muna? Ano ang nararamdaman natin pagkaligo at malinis na? Iba ang pakiramdam ng malinis ang ating katawan… presko ang ating katawan. Tulad ng ating katawan, ang ating mga kaluluwa ay kailangan din “maligo” upang maging malinis. 


Paghahawi

Pagkatapos ng pagbibinyag kay Hesus ay nagtungo Siya sa ilang na pook upang magdasal. Doon siya tinukso ng demonyo. Sa Kanyang pagbabalik ay ipinangaral niya sa lahat ang pagbabago at pagsisisi.


 “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balita ito.” Marcos 1:15

Pagtatabas

Kailan tayo taimtim na nagsisi sa ating mga kasalanan?


Pagsasaayos

Hinahamon tayo ni Hesus ngayong unang linggo ng Kuwaresma na linisin ang ating mga kaluluwa. Pagpanibaguhin natin ang ating espirituwal na buhay sa pamamagitan ng pagdadasal at pagbabalik sa Kanyang grasya. Hindi sapat ang pagsisisi, tayo’y dapat tumanggap ng sakramento ng kumpisal. Sa ganitong paraan, naihahanda natin ang sarili upang makasama Siya sa buhay ng walang hanggan. 


Pagdiriwang

Pagnilayan natin ang ating mga kasalanan at mag-kumpisal. 


I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito 👇👇👇 



Sources: 

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Espirituwal na pag-gabay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.

_______________________________________________________________


71 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page