Ang Lent o Kuwaresma ay galing sa salitang Latin na '𝘘𝘶𝘢𝘥𝘳𝘢𝘨𝘦𝘴𝘪𝘮𝘢' na ang ibig sabihin ay “40th” o kuwarenta. Nakaugnay Ito sa bilang ng araw na inilagi ni Hesus sa ilang upang magdasal at mag-ayuno. Nagsisimula ito mula sa Miyerkules ng Abo at nagtatapos sa paglubog ng araw sa Huwebes Santo.
Sa araw ng Miyerkules ng Abo ay nagtutungo tayo sa simbahan upang magpapahid ng abo sa ating noo.
Ilang araw bago mag-Miyerkules ng Abo ay dinadala natin ang mga lumang palaspas sa ating mga simbahan upang ito'y sunugin at basbasan. Ang mga sinalang abo ay nilalagyan ng kaunting langis bago ito ipahid sa ating mga noo.
Humaharap tayo sa Panginoon na buong kapakumbabaan at pagsisi sa ating mga kasalanan.
Inaanyayahan tayo ng simbahan na magbalik-loob, magsisi at samahan si Kristo sa Kanyang paglalakbay tungo Kanyang kamatayan at ating kaligtasan. Bilang mga bata, marami tayong magagawa sa pagdadasal, pag-aayuno at pagbibigay sa mga nangangailangan.
Comments