Feast Day: September 15
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Nagdadalamhating Inang Maria, Our Lady of Sorrows o Mater Dolorosa. Kung mapapansin sa mga litrato ng nagdadalamhating ina ay may 7 punyal o espada na nakatusok sa kanyang puso. Simbolo ito ng 7 kaganapan na nagdulot ng labis na lungkot sa ating ina.
Narito ang pitong malulungkot at masasasakit na pangyayari sa buhay ni Inang Maria:
1. Ang Propesiya ni Simeon sa sanggol na si Hesus (Lukas 2:34-35)
2. Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak (Mateo 2:13)
3. Ang Pagkawala ng Batang Hesus ng Tatlong Araw (Lukas 2:43)
4. Ang Pagkasalubong ni Jesus at Maria sa Daan ng Krus (Lukas 23:27-29)
5. Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus (Juan 19:25)
6. Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan kinalong ni Maria ang bangkay ni Hesus (Mateo 27:57)
7. Ang Paglilibing kay Hesus (Juan 19:40)
Pagnilayan natin ang pananampalataya, tapang at pagtitiis ni Maria sa harap ng matinding pagdurusa. Inaanyayahan tayong humingi ng tulong at kapanatagan mula kay Maria na sa kabila ng kanyang sariling mga pagsubok ay hindi nagmaliw sa kanyang pananampalataya at pasunod sa plano at kagustuhan ng Diyos.
📖 Pagbasa: Juan 19:25-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Karagdagang Pagbabasa:
Source:
Source: https://www.immaculee.com/pages/7-sorrows-rosary-prayer
https://www.awitatpapuri.com/2021/09/15/miyerkules-setyembre-15-2021/
Comments