Sa pagdarasal ng rosaryo ay napagninilayan natin ang buhay ni Hesus. Nalalahad ang mga tagpo sa Kanyang buhay sa apat na misteryo nito na dinadasal sa iba ibang araw: ang Misteryo ng Tuwa, Luwalhati, Liwanag at Hapis.
Hango ang salitang rosary sa wikang Latin na "rosarium" na ang ibig sabihin ay rose garden o hardin ng mga rosas.
Napagninilayan din natin sa pagdarasal ng rosaryo ang ilang bertud o "virtues" ni Inang Maria. Kabilang dito ang kababaang loob, kung saan tinatanggap natin na tayo, bilang mga tao ay may kahinaan at kailangang punuan ng grasya ng Diyos o tulong ng kapwa; pagmamahal sa kapwa, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kung anong meron tayo sa mas nangangailangan; at ang pagiging madasalin.
Ang hamon sa ating mga Katoliko ngayong araw ay tulad ni Maria, maging madasalin, at isama natin ang ating pamilya sa pagdarasal araw araw.
TOTUS TUUS MARIA!!! VIVA SANTA MARIA!!!
I-download ang gabay sa pagdarasal ng Rosaryo dito. 👇 👇 👇
Comments