top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus

❤️‍🔥 Ipinagdiriwang nating ngayon ang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus o ang Sacred Heart of Jesus. Ang kapistahan na ito ay lumilipat ayon sa petsa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ito ay nakatakda sa ikalawang Biyernes pagkatapos ng Kapistahan ng Banal na Santatlo. Sa taong ito, ang kapistahan ay pumatak sa araw ng June 7.


Ang Sacred Heart of Jesus ay debosyon nating mga Katoliko kung saan inilalarawan ang puso ni Hesus na simbolo ng Kanyang walang hanggang pagmamahal sa ating lahat. Bakas sa simbolo ng Kanyang puso ang pagpapakasakit dahil sa Kanyang awa at habag. 🙏


Mayaman sa simbolo ang Kabanal-banalang puso ni Hesus. Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng pagpapakasakit at pagmamahal ni Hesus sa sansinukob.


Inilalaan natin ang Unang Biyernes ng buwan bilang pamamanata sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus. Sa araw na ito, inaanyayahan tayo na magdasal sa Kanya, mangumpisal, dumalo ng Holy Hour (o pagtatampok ng Blessed Sacrament) at mag-misa. May kaakibat na biyaya ang lahat ng tutugon sa panatang ito.


Si Hesus mismo ang naglahad ng mga pangakong ito sa isang pangitain kay Santa Maria Margaret Alacoque.


🙏 PANALANGIN SA KABANAL-BANALANG PUSO NI HESUS

O, Kabanal-banalang puso ni Hesus, Ako po'y nagdarasal sa Inyo ng buong katapatan. Pagkalooban niyo po ako ng lakas at pag-asa, upang maipamalas ang wagas na pag-ibig at kabutihan.


Mahal naming Panginoon, salamat sa Iyong pagmamahal. Nawa'y palaging magningning ang aking puso, at mapuno ng pagsasakripisyo't kababaang-loob sa pagsunod sa Iyong banal na landas.


Sa Iyo pong sagrado at mapagmahal na puso, inilalatag ko ang aking mga hinaing at pangangailangan.


Mahal na Hesus, alay ko ang aking buhay sa Inyo. Gabayan niyo po ako sa bawat sandali

ng aking paglalakbay sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


____________________________________________________________


26 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page