top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita sa Anghel na Tagatanod

Isa na siguro sa nakakapag-papantag ng loob ng magulang ang paniniwala nating mga Katoliko na ang lahat ng mga bata ay may guardian angel o anghel na tagatanod. Sila ang nagbabantay at tumutulong sa ating mailayo sa kapahamakan at kasalanan. Ngunit ang mga guardian angel ay hindi lang para sa mga bata. Ang bawat isang tao ay may anghel na nakatalaga na kasama natin hanggang sa tayo'y mamatay.


Ayon sa Ebanghelyo ni San Mateo, si Hesus na mismo ang nagsabing may nakabantay na anghel sa atin: "Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit." Mateo 18:10


Noong taong 1615 ay pormal na isinama ni Pope Paul V ang Kapistahan ng Angel na Tagatanod sa Roman Catholic Calendar.


🙏 PANALANGIN SA MGA ANGHEL NA TAGATANOD

Anghel ng Diyos, mahal kong tagatanod

Kung kanino itinilaga ako dito dahil sa kaniyang pagmamahal;

Sa kabuoan ng araw na ito manatili ka sa aking tabi,

Upang tumanglaw at magbantay, upang mamuno at pumatnubay.

Siya nawa.


Source:

https://www.franciscanmedia.org/.../feast-of-the-guardian...

https://frjessie.blogspot.com/.../panalangin-sa-anghel-na...

29 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page