top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita kay Santo Tomas de Aquino

😇 #saintoftheday | Santo Tomas de Aquino o St. Thomas Aquinas | Jan 28

Patron ng mga mag-aaral at teologo (theologians)



Ipinanganak sa mayamang pamilya si St. Thomas. 5 taong gulang pa lang siya ay gusto na siyang ipasok ng kanyang pamilya sa mga Benedictine. Nang lumaki ay mas ninais niya na umanib sa mga Dominicano.


Hindi ito nagustuhan ng kanyang ina kaya’t siya’y ipinadakip sa kanyang mga kapatid at ikinulong ng higit isang taon sa kanilang tahanan. Kalaunan ay natanggap na ng kanyang ina ang nais ni St. Thomas kaya’t pasikretong pinalaya.


Tinapos niya ang kanyang pag-aaral at naging paring Dominicano. Sumulat siya ng maraming aral at libro kaya’t tinagurian siyang dakilang pantas ng simbahan.

Sinasabi na noong minsan siya’y nagdasal ay kinausap siya ni Hesus, “Marami kang magagandang bagay na isinulat tungkol sa akin, ano ang gantimpala ang nais mo?” Ang kanyan sagot, “Wala kundi ikaw lang, Panginoon.”


🙏 PANALANGIN KAY SANTO TOMAS DE AQUINO

+ Mahal naming Santo Tomas de Aquino, uliran sa katalinuha't karunungan, sa kababaang-loob at kabanalan. Kami'y nagsusumamo sa inyo na ipanalangin sa Poong Diyos na kami'y pagkalooban ng biyaya ng karunungan na tupdin po lamang ang Kanyang banal na kalooban. Nawa kami’y kasigasigan ng buong kababaang loob na tumalima sa kanyang Banal na Salita.


Sa inyong tulong at panalangin, at pagtulad namin sa inyong halimbawa, kami po nawa'y maging mapagpaubaya at walang maging ibang hangarin at mithiin kundi ang tahakin ang landas ng kabanalan. Sa pagsunod at pagtulad sa Kanyang Bugtong na Anak upang kami man po ay makabahagi sa inyong tagumpay at makamtan ang kaganapan ng buhay kapiling ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu sa makalangit na tahanan. Amen.


Source:

28 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page