top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista

Kalugod-lugod ang mga magulang ni San Juan Bautista na si Zacarias at Elizabeth sa mata ng Panginoon. Noong minsang nag-susunog ng insenso si Zacarias sa templo ay nagpakita si Angel Gabriel sa kanya upang sabihing magdadalang tao ang kanyang asawa at papangalanan ang anak nilang Juan.


Hindi naniwala si Zacarias dahil baog si Elizabeth at masyado na silang matanda para magka-anak. Mula noon ay hindi na muling nakapagsalita si Zacarias hangga't manganak si Elizabeth at maisulat ni Zacarias ang pangalan ng sanggol na Juan.


Kung bibilangin sa kalendaryo and kapanganakan ni San Juan ay 3 buwan na ang lumipas mula nang kapistahan ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon o Feast of the Annunciation at 6 na buwan mula sa araw na ito ang Araw ng Pasko! 🌟👼


🙏 Panalangin kay San Juan Bautista


† O San Juan Bautista, tulungan mo kaming maging matapang na ipinahayag ang kaharian ng Panginoon. Nawa kami’y maging instrumento ng pagpapatawad at pagbabago sa buhay ng aming kapwa. Ituro mo sa amin ang landas tungo sa tunay na kaluwalhatian at sa buhay na walang hanggan kasama si Hesus. Amen.


San Juan Bautista, ipanalangin mo kami. †


15 views0 comments

Commenti


bottom of page