top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita kay Santa Josefina Bakhita

šŸ˜‡ #saintoftheday | St. Josephine Bakhita o Santa Josefina Bakhita | Feb 8

Patron ng mga biktima ng Human Trafficking



Si Santa Josefina ay ipinanganak sa Sudan, Africa noong 1869. Siya ay kinidnap at ibinenta para maging alipin. Naging labis na nakakatakot ang karanasan na ito para sa kanya. Ang mga bumihag sa kanya ang nagpangalan sa kanyang ā€œBakhitaā€ na ang ibig sabihin ay mapalad o fortunate.


Isang opisyal na Italiano ang kalaunang nakabili sa kanya. Mula noong nasa pangangalaga na siya ng Italianong si Callisto Leglani ay naging mas maginhawa na ang kanyang buhay. Hindi na siya binubugbog at pinahihirapan kahit na siya ay alipin pa rin.

Patuloy sa paglilingkod si Santa Josefina at kalaunan ay isinama sa Italia. Makalipas ang ilang panahon, siya kasama ng kanyang inaalagang bata ay inihabilin sa piling ng mga Canossian Sisters. Doon na siya namalagi at binigyan ng pangalang ā€œJosephineā€.


Siya ay naging madre at itinalaga ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagluluto, pananahi at pangangalaga sa mga mahihirap at nangangailangan. Dahil sa kanyang malumanay at masayahing disposisyon ay maraming napapapalagay ang loob sa kanya.


šŸ™ PANALANGIN KAY SANTA JOSEFINA BAKHITA


ā€  Ama naming Makapangyarihan, dulutan Mo kami ng masayang paggunita sa dalagang si Santa Josefina Bakhita, na sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na kanyang naranasan sa kanyang pagkadakip at pagkaalipin ay naging wagas ang pag-ibig sa Iyo, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen! ā€ 


Source:

18 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page