top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita kay Santa Escolastica, Dalaga

šŸ˜‡ #SaintoftheDay | St. Scholastica o Santa Escholastica, BirhenĀ | Feb 10

Patron ng paaralan, pagsusulit, libro, pagbabasa, madre at Benedictine womenā€™s communities



Hindi alam ng karamihan na si St. Benedict o San Benito ay kambal na kapatid ni Santa Escolastica. Naging maligaya si Sta. Escolastica sa kumbento lalo na są pagsasabuhay ng kanilang motto na ā€œora et laboraā€ (pray and work).


Taun taon ay nagkikita si San Benito at Sta. Escolastica upang pag-usapan ang kanilang pamumuhay at hamon ng isaā€™t isa bilang pari at madre. Dahil hindi maaring pumasok sa monasteryo ni San Benito si Santa Escolastica, sila ay nagkikita sa ibang lugar.


Isang araw ay nagasakit si Santa Escolastica, dumalaw si San Benito sa kanilang kumbento. Sila ay buong araw ng nagdasal at kumanta ng mga salmo. Bawal na matulog sa ibang lugar ang mga pari, kaya't nagpaalam na ni San Benito na umuwi ngunit pinigilan siya ni Santa Escolastica.


Dahil ayaw papigil ni San Benito ay taimtim na nagdasal si Santa Escolastica. Noon diā€™y kumulog, kumidlat at umulan kayaā€™t hindi na makauwi si San Benito at mga kasama! ā€œAnong ginawa mo!?ā€, tanong ni San Benito. Ipinaliwanag ni Santa Escolastica na humingi lamang siya ng pabor sa Panginoon na matulog si San Benito sa kanilang kumbento at naging mas mapagbigay sa kanyang kahilinginan ang Panginoon kaysa sa kanyang kapatıd!


Tuluyan nang humina są mga susunod na panahon si Santa Escolastica. Ayon sa kwento, nang mamatay si Santa Escolastica, napanaginipan ng kanyang kapatid na lumipad papuntang langit ang kanyang kaluluwa bilang kalapati. šŸ•Š


Ipanalangin natin kay St. Scholastica ang mga estudyante lalung-lalo na ang mga nagsusulit. ā¤ļø


šŸ™PANALANGIN KAY SANTA ESCOLASTICA


ā€  Ama naming makapangyarihan,Ā  buong galak naming pinararangalan ang alaala ni Santa Escolastica. Nawa ang kanyang pagiging huwaran ng katapatan ay maging inspirasyon naming maglinkod at mamuhay sa walang maliw Mong kagalakan. Itinataas namin ang lahat ng mga mag-aaral lalung-lalo na ang mga may pagsusulit. Nawaā€™y mabiyayaan sila ng malinaw na pag-iisip upang makakuha ng mataas na marka. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.ā€ 



16 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page