š #SaintoftheDay | St. Agatha o Santa Agata, Birhen at MartirĀ | Feb 5
Patron ng mga nars, mga may breast cancer, panadero, alahero, biktima ng rape, mga inuusig (torture) at mga laykong babae na walang asawa
Noong unang tatlong siglo ay tinutgugis ng mga Romano ang mga Kristiyano. Gusto ng mga emperador na puwersahin ang mga Kristiyano na itatwa ang paniniwala nila sa Panginoon. Isa si St. Agatha sa mga naging martir ng simbahan.
Nagdadalaga pa lang si Santa Agata ay nagdesisyon na siyang manatiling birhen. Isang prominenteng lalaki na nagngangalang Quintianus ang nais na pakasalan siya ngunit hindi siya pumayag. Sa galit ni Quintianus ay ipinadakip siya. Dahil siya ay Kristiyano ay ikinulong sa isang bahay na may mga lalaking sisirain ang kanyang kalinisan. Hindi sila nagtagumpay dahil naantig sila sa kabutihan ni St. Agatha.
Siya ay binugbog ng mga sundalo hanggang sa siya ay mamatay. Sinasabi na bago siya mamatay ay nagpasalamat siya sa biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa Kanya at hiniling na siya ay tanggapin sa kaluwalhatian sa kanyang kamatayan. Siya ay naging inspirasyon sa marami pang Kristiyano na naharap sa parehong situwasyon at nanatili ang kanilang malalim na paniniwala sa Panginoon.
šPANALANGIN KAY SANTA AGATHA
Santa Agatha, matapang na anak ng Diyos, naantig ako ng iyong sariling pagdurusa, Hinihiling ko ang iyong mga panalangin para sa mga, tulad ko, na dumaranas ng (sakit).
Hinihiling ko sa iyo na ika'y mamagitan para sa akin (o para sa isang partikular na pangalan). Nananalangin ako na bigyan ako ng Diyos ng Kanyang banal na pagpapala ng kalusugan at paggaling.Ā
Ikaw na biktima ng karahasan at ng pagpapahirap ay nananatiling malinis at buo ang pananampalataya sa Panginoon, palakasin mo ako. Dalangin ko ang lubos na pang-unawa at katatagan, amen.
Source:Ā
Yorumlar