😇 #saintoftheday | San Timoteo at San Tito | Jan 26
Sina St. Timothy o Timoteo at St. Titus o Tito ay mga Obispo na kasama ni St. Paul the Apostle o San Pablo sa kanyang misyon. Sila ay tumanggap ng ilang sulat mula kay San Pablo na naging bahagi ng Bagong Tipan ng Bibliya
💡 #AlamMoBa | Namumukod tangi ang mga sulat ni San Pablo kina San Timoteo at San Tito dahil nakapangalan ang mga liham sa kanila at hindi sa komunidad?
📖 2 Timoteo 1:2-8 | “Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kahabagan, kapayapaan nawang mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon. 8 Huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni sa akin na bilanggo niya, kundi makipagtiis ka alang-alang sa ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Diyos”
📖 Tito 1:4-5 | “Kay Tito na aking tunay na anak sa iisang pananampalataya: Biyaya at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang isaayos mo ang mga bagay na may kakulangan at upang magtalaga ng matatanda sa iglesya sa bawat bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo.”
🙏 PANALANGIN KAY SAN TIMOTEO AT TITO
+ Ama naming makapangyarihan,
iginawad mo ang mga
katangian ng apostol kina San Timoteo at San Tito.
Pagbigyan mo ang kanilang dalanging
kami'y makapamuhay nang
maayos at matapat sa iyong kalooban
para kami'y marapatin mong
makasapit sa iyong piling
sa kalangitan sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.
Comments