😇 #saintoftheday | St. Paul Miki and Companions o San Pablo Miki at mga Kasama | Feb 6
Sa kabila ng pang-uusig at banta ng kamatayan ay ipinagpatuloy ni San Pablo Miki at mga kasama ang pangangaral sa buhay Kristiyano.
Si San Pablo Miki ay ipinanganak sa Japan. Nang siya’y lumaki, siya’y naging paring Hesuwita at tanyag na guro sa pananampalatayang Kristiyano.
Noong panahong iyon ay iniutos ng emperador ng Japan na paalisin sa kanilang bansa ang mga Kristiyano dahil natakot siyang sakupin ng mga Kristiyano ang kanilang bansa. Sa kabila ng utos na ito ay ipinagpatuloy ni San Pablo at mga kasama ang kanilang misyon.
Dahil sa kanilang ginawa, sila ay dinakip at pinahirapan. Pinaglakad sila ng 600 milya mila sa kanilang lugar patungong Nagasaki. Sa kanillang paglalakad patungo sa Nagasaki ay hindi nagmaliw ang kanilang pananampalataya. Sila ay lantarang nagdarasal at umaawit ng papuri sa Panginoon.
Maraming mga tao ang lumalabas sa kanilang tahanan habang sila ay dumadaan at nagkaroon ng inspirasyon sa pananampalatayang Kristiyano.
Nang dumating sa Nagasaki, sila ay ipinako sa krus. Bagamat siya’y mamatay na, pinatawad niya ang lahat ng umusig sa kanya. Ang sabi niya, “Hilingin ninyo kay Kristo na ika’y lumigaya.”
Halos 300 taon ang lilipas bago makabalik ang mga misyonero sa Japan. Sa una ay wala silang nakitang bakas ng Kristiyanismo doon ngunit nagulat na marami palang tao ang ipinagpatuloy ang kanilang pananampalatay ng palihim.
🙏 PANALANGIN KAY SAN PABLO MIKI AT MGA KASAMA
+ O Diyos, sa pamamagitan ng Iyong mga banal na martir tulad ni San Pablo Miki at mga kasama ay nakikilala namin ang kahanga-hangang misteryo at kapangyarihan ng krus. Tulungan mo kaming humugot ng lakas mula sa sakripisyong ito at ialay ang lahat ng sakit na aming nararamdaman sa Iyong kaluwalhatian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon, Amen.
Source:
Comments