Si St. Jerome o San Jeronimo ay kinikilala bilang isa sa mga ama at pantas ng simbahan. Nabuhay siya noong taong 340 BC at tinuruan sa kanilang tahanan. Noong siya ay mga 12 taong gulang ay ipinadala siya ng kanyang magulang sa Roma para mag-aral ng linguaheng Greek at Latin.
Doon sa Roma ay bininyagang Kristiyano at siya ay nakapag-aral sa mga dalubhasa sa mga Ebanghelyo noong panahong iyon. Doon niya naramdaman ang tawag na gamitin ang kanyang kaalaman na sa paglilingkod sa simbahan.
Noong siya ay ordinahang pari ay hiniling niya na gugulin ang kanyang panahon sa pag-aaral at pagsusulat kaysa maglingkod sa parokya. Dahil gusto niya ng katahimikan ay pumunta siya sa malayo at ilang na lugar upang pag-aralan ang Hebrew at sumulat ng mga artikulong nagtatanggol sa Kristiyanong pananampalataya.
Kalaunan ay pinatawag siya ni Pope Damasus para maging papal secretary. Inatasan siyang isalin ang mga Ebanghelyo mula Greek papuntang Latin, ang lingguahe ng simbahan. Ang mga Ebanghelyong isinalin niya sa Latin ang pinakamaayos noong panahong iyon.
SI SAN JERONIMO AT ANG LEON
Sinasabi sa isang kuwento tungkol kay San Jeronimo ang pambihirang pagkakataaon kung saan ang isang leon ang pumasok sa kanilang monasteryo. Natakot ang kanyang mga kasamahan pero siya ay kalmadong lumapit sa nasabing hayop.
Napagtanto niya na may nakabaong tinik sa paa ng leon. Malugod niya itong tinanggal at tuluyan na ngang napaamo ang leon sa kanya.
Source:
http://saintsresource.com/jerome
Comentários