top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita kay San Francisco de Sales

😇 #saintoftheday | San Francisco de Sales o St. Francis de Sales | Jan 24

Patron ng mga manunulat, mamamahayag, mga confessor, bingi, tagapagturo, Salesyano ni Juan Bosco



Si St. Francis ay ipinanganak noong 1567 sa marangal at kilalang pamilya. Pinag-aral siya sa pinaka magagandang paaralan. Noong 20 years old siya ay nagdesisyon siyang maging pari. Sa kabila ng kanilang yaman, sa kanya, mas importante ang maglingkod sa Diyos.

Siya ay maunawaing pari at magaling na mananalita. Marami siyang nahikayat na maging Katoliko sa panahon na ipinagbabawal ito. Marami siyang tinuruang mga bata na kalaunan naging pari. Marami siyang sinulat na libro at aral tungkol sa ating pananampalataya.

Siya ay namantay noong 1622 at itinanghal na santo noong 1664 ni Papa Alexander VII. Noong 1877 ay idineklara siyang Pantas ng Simbahan


🙏 PANALANGIN KAY SAN FRANCISCO DE SALES

+ Ama naming makapangyarihan,

upang mailigtas ang mga hinirang Mo,

niloob mong ang obispong si San Francisco

ay makibagay sa lahat ng tao.

Ipagkaloob Mo na tulad niya, kami’y maging

matiyaga sa paglilingkod at pagmamalasakit

sa kapwa. Nawa ay maipamalas namin Iyong

pagmamahal sa pamamagitan ng aming mga

salita at gawa. Hinihiling namin ito sa tulong ni

Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, Amen.


24 views0 comments

ComentĂĄrios


bottom of page