top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Paggunita kay San Antonio de Padua

Kapistahan: Hunyo 13

Patron ng mga maglalayag sa dagat, mangingisda, pari, mga manlalakbay

Hinihingian ng tulong upang makita ang mga nanakaw o nawawalang tao at kagamitan


Ipinanganak sa Lisbon, Portugal is Anthony noong 1195 sa isang mayaman at kagalang-galang na pamilya. Noong siya’y mag-15 taong gulang ay pinili niyang maging Agustinong dalubhasa sa mga batas ng Simbahang Katoliko. 11 taon siyang nagdasal at nag-aral ng bibliya.

Noong mag-26 na taong gulang ay tinawag siya ng Panginoon para sa ibang misyon nang makita niya ang mga katawan ng mga unang martir na Franciscano mula sa Africa. Kaya’t sumali siya sa mga Franciscano para makapagturo sa Morocco. Nang dumating sa Morocco, siya ay nagkasakit at kinailangang bumalik sa kanilang bayan.


Habang pabalik ay nawala ang kanilang sinasakyang barko at napunta sa Italy. Doon, siya ay nanirahan sa kawalan, nagdasal at nag-aral. Isang araw, bigla siyang naanyayahan na magbigay ng sermon. Bagamat hindi nakapag-handa ay namangha ang maraming tao! Tinawag na naman siya sa ibang gawain ng Panginoon. Naging napakagaling niya sa pagsesermon at pagtuturo ng Salita ng Panginoon at naging tanyag sa buong Italya at sa kanyang tahanang simbahan sa Padua.


Si Anthony ay namatay sa edad na 36. Sa loob lamang ng isang taon ay naging ganap na siyang santo dahil sa napakaraming himalang kanyang nagawa sa buhay. Maraming tao ang naaalala ang kanyang mga sermon at maraming taong nawalan ng pananampalataya ang nakatagpo ng pagpapanibagong pagmamahal sa Panginoon sa pamamagitan niya.


Karaniwang ipinapakita sa mga imahe at larawan ni St. Anthony de Padua na may karga-kargang batang Hesus. Sinasabi na isang araw ay nagkaroon siya ng pangitain ng Diyos bilang Niño. Dahil dito ay nagkaroon siya ng napakalalim na pagmamahal sa Salita ng Diyos.


🙏𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀


† Mahal na San Antonio de Padua,

Banal na santo ng mga nawawala at naghihirap,

Hinihingi ko ang iyong patnubay at tulong sa aking buhay.

Tulungan mo akong matagpuan ang mga nawawalang bagay,

mga nawawalang oportunidad, at mga nawawalang puso.

Patnubayan mo ako tungo sa tamang landas

at bigyan ako ng lakas upang harapin ang aking mga hamon.

San Antonio de Padua, tulungan mo ako sa aking pagsisikap na sundin ang kalooban ng Diyos

at gabayan mo ako sa paggawa ng kabutihan sa mundo.

Amen.


SOURCE:

40 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page