Feast Day: August 28
Patron ng mga gumagawa ng alak (brewer) at Teologo
Hindi lahat ng santo ay nagsisimulang banal. Ang iba tulad ni St. Augustine o San Agustin ay napalayo sa landas ng kabutihan pero sa tulong ng panalangin ay nagbago at nagbalik-loob sa Diyos.
Ipinanganak sa Tagaste, North Africa, si San Agustin. Ang kanyang ina ay si Santa Monica at ang kanyang ama naman ay si Patricius, isang opisyal ng Roma. Pagano si Patricius at hindi mabuting asawa. Sa tulong ng taimtim na panalangin ni Santa Monica ay nagpabinyag bilang Kristiyano bago siya mamatay. Dito nagkaroon ng konting interes kay Hesus si San Agustin ngunit maraming taon pa ang bibilangin bago siya tuluyang magbalik-loob sa Panginoon.
Hindi mahilig mag-aral si San Agustin at malimit ay tumatakas sa paaralan upang maglaro kasama ng mga kaibigan niya. Kalaunan, matutuklasan niyang gusto pala niya ang pag-aaral ng lengguaheng Latin. Ginugol niya ang kanyang oras sa pag-aaral nito at nangarap na maging guro sa Italia. Bagamat edukado ay hindi pa rin siya naging mabuting tao, at dahil ayaw niyang nakikita ang kanyang ina na umiiyak at walang tigil na nananalangin para sa kanya ay tumakas siya at sumakay ng barko patungong Italia.
Lubha mang nasaktan si Santa Monica sa paglayas ni San Agustin ay sinundan pa rin niya ito sa Roma upang mapalapit sa kanyang anak.
Habang nasa Milan ay nakilala ni San Agustin si Bishop Ambrose. Nagustuhan ni San Agustin ang mga paliwanag at pangaral ni Bishop Ambrose. Sa tulong ng panalangin ni Santa Monica at paggabay ni Bishop Ambrose ay tuluyan nang nagbalik-loob si San Agustin sa Diyos at nagpabinyag bilang Katoliko at naging pari.
Sa loob ng tatlumpung tao mula nang siya'y naging pari ay naging higante ng spiritualidad si San Agustin! Marami siyang isinulat na pangaral na magpasahanggang ngayon ay binabasa at pinag-aaralan pa rin. Itinuro niya sa kanyang mga isinulat na libro kung paano tayo magkakaroon ng malalim na relasyon sa Panginoon at malimit na ipinapangaral ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat.
🙏 PANALANGIN KAY SAN AGUSTIN
Source: http://saintsresource.com/augustine-of-hippo
Comentarios