top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Oktubre 23, 2022 | Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon | Ang Kababaang Loob ng Makasalanan


šŸ¦‰šŸ“– Gabay sa Pagninilay at Katekesis āœļø

Hango mula sa Daloy ng Bibliarasal ng SLRP at ng Paghahawan


Ebanghelyo ngayong Linggo: Lucas 18:9-14


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sariliā€™y matuwid at humahamak naman sa iba. ā€œMay dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isaā€™y Pariseo at ang isa namaā€™y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ā€˜O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba ā€“ mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya ā€“ o kayaā€™y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.ā€™ Samantala, ang publikanoā€™y nakatayo sa malayo, hindi man lamang maktingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ā€˜O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!ā€™ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking itoā€™y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.ā€


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


A. Pagmamasid


Sa panahon ngayon, karamihan siguro kahit na mga bata ay may cellphone o gadget na ginagamit upang mag-aral,Ā  mag-laro, panooran at makipag-usap sa iba. Nadiyan ang text, messenger o kaya viber kaya't napakadali na kausapin ang mga nais natin kahit nasaang parte pa sila ng mundo. May direktang linya rin tayo sa Panginoon! Ito ay ang pagdadasal. Pero ang bisa ng dasal ay hindi lamang sa ganda ng mga salita kundi sa tunay na diposisyon ng ating puso kapag nananalangin.


B. Paghahawi


ā€œSapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.ā€ Lucas 18:14


Pag-ugnay sa Ebanghelyo


Tinitignan at sinusuri ng Panginoong Diyos ang ating mga puso at handa siyang makinig sa mga tunay na mapagkumbaba. Ano ang laman ng ating mga panalangin? Tignan natin kung sino ang kahalintulad natin na karakter sa Ebanghelyo... ang Pariseo... o ang publikano...


C. Pagtatabas


  1. Sinu-sino ang mga karakter sa talinghaga? Saan sila pumunta?

  2. Ano ang laman ng kanilang panalangin?

  3. Bakit mali ang panalangin ng pariseo?

    • Nagyayabang siya

    • Hindi siya nagpasalamat

    • Naging tila panghuhusga at pangungutya ng iba ang panalangin

    • Hindi siya humingi ng tawad sa kanyang mga kasalanan

      1. Bakit natuwa ang Panginoon sa panalangin ng publikano?


D. Pagsasaayos


  1. Sa ating pagdarasal ay direkta tayong nakikipag-usap sa Diyos sa langit. Importanteng nasa tama tayong disposisyon kapag tayo nakikipag-usap sa Kanya. Kailangan tahimik, maayos ang pananamit at ang sarili.

  2. Kung tayo ay nananalangin, sinusuri ng Panginoon ang laman ng ating puso. Bakit nga ba tayo nagdadasal at ano ang hinihingin natin sa Kanya? Ito ba ay para lamang sa ating sariling pangangailangan o para rin sa iba? Ito ba ay para sa ikabubuti ng ating sarili o puro panghihingi lamang ng grasya? Paano binabago ng panalangin ang ating pagkatao?

  3. Ang mga tunay na mapagkumbaba lamang ang nakapagdadasal mula sa kanilang puso. Hindi ibig sabihin ng mapagkumbaba ay walang kasalanan! Ang taong mapagkumbaba ay nalalaman ang kanilang kahinaan at humihingi ng tawad sa Panginoon at tulong na maging mas matibay laban sa tukso.


E. Pagdiriwang


Gamit ang 5-finger prayer ay magsanay na gumawa ng panalangin na hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kapwa.


Sumulat ng isang liham para sa dalawang karakter ng talinghaga at sabihin kung ano ang natutuhan mo sa kanilang panalangin.


Sources:

Daloy ng Bibliarasal, Fr. NiƱo Etulle, SCJ

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Awit at Papuri Website

Exploring Godā€™s Word, Word and Life Publications

55 views0 comments

ComentƔrios


bottom of page