top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

November 6, 2022 | Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Sumasampalataya Tayo sa Diyos ng Buhay


🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️

Hango mula sa Daloy ng Bibliarasal ng SLRP at ng Paghahawan


Ebanghelyo ngayong Linggo: Lucas 20, 27:34-38


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang mga lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay spaagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


A. Pagmamasid


Naniniwala ka ba sa multo? Bakit tuwing November ay parang tila katatakutan ang nauuso? Hindi ba't parang nakakatakot maisip na may makita tayong white lady sa ating pag-uwi sa gabi? Ngunit ano nga ba ang multo kundi mga kaluluwa ng yumao. May mahal ka ba sa buhay, kamag-anak o kaibigan, ang sumakabilang buhay na? Ano ang mas nanaisin mong paniwalaan... na sila ay nasa langit kapiling ng Ama o ang takutin tayo sa gabi? Ang Ebanghelyo ngayong Linggo ay tumatalakay sa pangako ng buhay na walang hanggang naghihintay sa atin kapag tayo ay namayapa na sa mundong ito.


B. Paghahawi


“Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat." Lucas 20:38


Pag-ugnay sa Ebanghelyo


Sa huling linya ng panalanging "Sumasampalataya Ako" o "Apostles Creed" ay sinasambit natin ang ating paniniwala na mabubuhay muli ang mga namatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Ito ang ating pananampalatay na pangako ni Hesus sa atin. Sa buhay ay binibigyan tayo ng kalyaan ng Panginoon na pumiling mamuhay sa kabutihan o kasamaan, na siyang magiging basehan kung tayo ay pupunta sa langit o hindi. Ang pagiging tao natin ay pagkakaisa ng ating katawan at kaluluwa kaya't mahalagang pangalagaan natin maging ang ating katawan hindi lamang sa pisikal ngunit sa espirituwal na aspeto din.


C. Pagtatabas


Makikita sa Ebanghelyo ang malisyosong pagtatanong ng mga Saduseo sa "muling pagkabuhay" ng mga tao. Ginamit na mismo ni Hesus ang kanilang paniniwala sa kuwento ni Moises at nagliliyab na mababang punongkahoy bilang panangga sa kanila. Naniniwala ka ba na ang Diyos natin ay Diyos ng mga buhay?


D. Pagsasaayos


Ang lahat ng buhay sa mundo ay may katapusan. Bilang mga Katoliko, tayo ay naniniwala na ang buhay natin ay hindi humihinto sa pagtigil ng pagtibok ng ating puso, dahil may buhay na walang hanggan na naghihintay sa atin sa Langit. Ang lahat ng turo ni Hesus ay nakasentro sa paghahanda sa ating sarili at kaluluwa na makasama ang Ama.


Totoong hindi madali ang gumawa ng kabutihan lalo na kung tayo ay hirap na hirap na sa ating mga problema. Kaya't dapat mas mabigat sa atin ang pagnanais na piliin ang tama dahil sa mithiin nating magtungo sa langit, sa Diyos ng mga buhay at hindi ng mga patay.


Pagnilayan natin ang katotohanan na balang-araw ay magiging mga anghel tayo sa langit. Paano ko ito ginagamit na inspirasyon para mas maging mabuting tao? Ano ang mga ginagawa kong kabutihan?


E. Pagdiriwang


Isipin kung ano ang mga gawain na makakatulong sa aking makapunta sa langit balang-araw. Ano ang mga "paborito" nating kasalanan o mga kasalanang parang napaka-hirap nating maiwasang di magawa. Isipin kung ano ang gagawin mo upang unti-unti ay mabago mo ito.


Sikapin na makapag-kumpisal ngayong linggo.


Sources:

Daloy ng Bibliarasal, Fr. Niño Etulle, SCJ

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Awit at Papuri Website

Exploring God’s Word, Word and Life Publications


60 views0 comments

Comments


bottom of page