top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Mahalin ang Batang Hesus sa mga Kabataan Ngayon

Jan 21 | Kapistahan ng Banal na Sanggol

📖 Pagbasa: Marcos 10:13-16



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


Noong panahong iyon, may nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ng Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon




🦉📖 Gabay sa Pagninilay at Katekesis ✝️

Pagmamasid

Madalas ba kayong napapagalitan ng inyong guro dahil kayo ay maingay at magulo sa klase? Minsan pag-lumalabas sandali ang guro ay nagpapalista pa nga ng “Noisy” upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa klase habang wala siya. Minsan nagagalit din ang mga kapitbahay kapag maingay masyado ang mga batang naglalaro sa kalye. Ganito karaniwang naisasalarawan ang mga bata, makulit, maingay at magulo. Kaya kapag may mga mahalagang gawain minsan nandiyan ang mga matatanda upang sawayin ang mga bata. 


Paghahawi

May nagdala ng mga bata upang mabasbasan ni Hesus ngunit pinigilan sila ng mga alad ni Hesus. Nagalit si Hesus at pinagsabihan ang mga alagad na hayaang lumapit sa kanya ang mga bata. 


“Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ng Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” Mateo 10:15

Pagtatabas

Ako ba ay tulad ng mga alagad na nagtataboy sa mga bata?


Pagsasaayos

Napansin mo ba na minsan sa simbahan kapag umiingay na o nag-iingay na ang mga bata ay inilalabas na sila ng kanilang tatay o nanay? Nahihiya sila at natatakot na baka “magalit” si father o kaya pagtinginan sila ng mga tao. Mahilig pa man din tulad ng mga 2 taong gulang na bata na magtatakbo o kaya gumulong sa sahig! Sa ganitong pamamaraan ay inilalayo natin ang mga bata kay Hesus. 


Tulungan nating maintindihan nila sa kanilang murang kaisipan na ang tahanan ni Hesus ay tahanan nila upang hindi sila mangingimi magdasal at makita ang simbahan na isang lugar na dapat iwasan. 


Pagnilayan din natin ang situwasyon ng mga bata sa kalye, ang mga hindi nakakapag-aral, ang mga nagugutom, may sakit at mga batang walang nag-aaruga lalo na yung ulila. Paano tayo makakatulong sa kanila na maramdaman ang pagmamahal ng Panginoon? 


Pagdiriwang

Paano ako makakatulong sa mga pangangailangan ng mga bata lalo na yung mga nagiging biktima ng karahasan at pagsasamantala?


I-download ang katolago worksheet para sa linggong ito 👇👇👇 




Sources: 

Yaman ng Salita, Word and Life Publications

Paghahawan, Diocese of Novaliches

Espirituwal na pag-gabay ni Rev. Fr. Niño Etulle, SCJ


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, Volume I & II. Karapatang-sipi © Panayam ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas 2014, Lupon Rehiyonal Ukol sa Tagalog sa Liturhiya, Archdiocesan Liturgical Commission, Manila.

_______________________________________________________________


228 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page