top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Magdiwang! Mga bagong titulo at Pagpaparangal kay Hesus at Inang Maria


Hindi man gaanong kilala ang mga titulo at kapistahang ito ay mahalaga ito upang makilala natin si Hesus at si inang Maria bilang instrumento, halimbawa at gabay natin sa ating buhay.


Lunes Pagkatapos ng Pentekostes

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahan


Alinsunod sa pag-utos ng ating Santo Papa Francisco noong taong 2018 ay idinagdag ng ating simbahan ang Paggunita kay Maria, Ina ng Simbahan. Ang Pentekostes ay ang kapanganakan ng ating simbahan at naroon si Inang Maria nang bumaba ang Espiritu Santo sa anyo ng dilang apoy.


Si Maria ay huwarang tagasunod ng Panginoon at ni Hesus. Mula pa lang noong ibinalita ng anghel na ipaglilihi niya ang Anak ng Panginoon, naging mapagkumbaba at masunirin siya sa dakilang plano ng Diyos. Si Maria bilang Ina ng simbahan ang nagpapaalala sa atin na patuloy ang magandang plano ng Diyos na dapat nating kilalanin at ipahayag!


Nawa’y tularan natin ang kanyang halimbawa sa pananampalataya at pagsunod sa mga utos Panginoon nating Diyos.


🙏 PANALANGIN KAY MARIA INA NG SIMBAHAN



Huwebes Pagkatapos ng Pentekostes

Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari


Ang espesyal na kapistahang ito ay ang pagbibigay parangal kay Hesukristo bilang ang Walang-Hanggang Kataas-taasang Pari. Binibigyang diin ang papel ni Hesus bilang tagapamagitan sa Diyos at tao. Pinaparangalan din natin ang pagkakaiba ni Hesus sa mga pari ng lumang tipan dahil sa kanyang pagsasakripisyo na nagdulot ng kaligtasan ng sanlibutan.


📖 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


Noong panahong iyon, isinama sila ni Hesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!” Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: “Ama ko, kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”


Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit mahina ang laman.”

Muli siyang lumayo at nanalangin: “Ama ko, kung hindi maiaalis ang kalis na ito nang hindi ko iinumin, mangyari ang iyong kalooban.”


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.





27 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page