Ipinagdiriwang natin ngayon ang Divine Mercy Sunday o ang Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos.
Ayon sa mga sulat ni Santa Faustina, sinabi ni Hesus na sinumang taimtim na magdasal sa Kanya bilang Hari ng Banal na Awa ay magwawagi sa kanyang mga kaaway lalo na sa oras ng kamatayan.
Ang imahe ni Hesus nang magpakita Siya kay Sr. Faustina ay nakaputi at nakataas ang kanyang kanang kamay na tila nagbabasbas. Ang Kanyang kaliwang kamay naman ay nakaturo sa may bandang puso kung saan nagmumula ang 2 sinag, isang pula at isang puti. Sa imahe ay makikita ang mensaheng "Jesus, I trust in You."
Ano ang mga maari nating gawin bilang pakikiisa sa paggunita ng Banal na Awa?
Inaanyayahan tayong magdasal sa Divine Mercy tuwing alas-3 ng hapon, ang oras ng Kanyang kamatayan.
I-download ang Divine Mercy Chaplet dito
Comments