top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan nina Santa Martha, Maria at San Lazaro ng Betania

Taong 1262 pa nang simulan ng mga Franciscan ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Santa Martha ng Betania. Noong 2021 ay isinama na ni Pope Francis ang paggunit sa mga kapatid niyang sina Santa Maria at San Lazaro sa Liturgical calendar ng simbahan.


“Signed by Cardinal Robert Sarah, the congregation’s prefect, the decree said Pope Francis approved the memorial for Martha, Mary and Lazarus after “considering the important evangelical witness they offered in welcoming the Lord Jesus into their home, in listening to him attentively, (and) in believing that he is the resurrection and the life.”

Decree of the Congregation for Divine Worship on the celebration of Saints Martha, Mary and Lazarus, in the General Roman Calendar, 02.02.2021


Si Martha, Maria at Lazarus na taga Betania ay mga kaibigan ni Hesus. Pumupunta si Hesus sa kanilang tahanan bilang bisita. Sa katunayan, malayang Siyang ipinatawag nina Santa Martha at Maria noong malabuha na at kalaunang namatay ang kanilang kapatid na si San Lazaro.


Si Martha | Malalim ang pananampalataya ni Santa Martha sa kabila ng pagkamatay ng kanyang kapatid. “Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, ay mabubuhay. At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?” Sinabi niya sa kanya, “Opo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos, ang siyang darating sa sanlibutan. (Juan 11:25-27)


Si Maria | Noong bumisita si Hesus sa kanilang tahanan ay pinili ni Maria na makinig kay Hesus kaysa maging abala sa paghahanda ng pagkain. Ang sabi ni Hesus “Pinili ni Maria ang higit na mahalaga.” Sa isa pang tagpo ay dumating muli si Hesus sa kanilang tahanan at pinahiran ni Maria ng mamahaling pabango ang paa ni Hesus gamit ang kanyang buhok (Juan 12:1-8)


Si Lazaro | Malinaw sa pahayag ni San Juan sa kanyang Ebanghelyo na mahal na kaibigan niya si San Lazaro. Nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni San Lazaro ay pumunta Siya sa Judea sa kabila ng banta ng kapahamakan. Sa kanyang pagdating ay nasaksahihan natin ang isa sa pinakamahalagang himala ni Hesus, ang kapangyarihan Niya laban sa kamatayan.

💌 Sa kanilang tahanan, sa Betania ay nadama ni Hesus ang pagkakaibigan at pagmamahal ng magkakapatid: Si Martha na masugid sa paglilingkod, si Maria na nakikinig sa Kanyang Aral at si Lazaro na muling nabuhay at saksi sa kapangyarihan ni Hesus sa kamatayan.


🙏 PANALANGIN KINA SANTA MARTHA, MARIA AT SAN LAZARO NG BETANIA

Mahal na Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro, banal na magkakapatid, lingkod at kaibigang matalik ng Panginooon Hesus, tinanggap niyo sa inyong tahanan si Hesus at idinakila Siya bilang Anak ng Diyos at Mesiyas.


Tulungan niyo po kaming maglingkod sa Panginoon kasabay ng pagtibay ng aming pananampalataya sa Kanya, na kumilos sa Kanyang simbahan na may kasamang dalangin at paglago sa Kanyang Salita.


Nawa'y tulad ninyo, punuin ni Hesus ang aming buhay ng pagmamahal Niya at gamitin ang aming buhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Amen


Sources:

https://press.vatican.va/content/salastampa/en/bollettino/pubblico/2021/02/02/210202c.html

https://www.vaticannews.va/en/saints/07/29/st--martha--disciple-of-the-lord.html

https://www.franciscanmedia.org/saint-of-the-day/saints-martha-mary-and-lazarus

https://www.usccb.org/prayer-and-worship/liturgical-year-and-calendar/saints-martha-mary-and-lazarus

https://www.americamagazine.org/politics-society/2021/02/02/pope-francis-martha-mary-lazarus-feast-day-doctor-239897

40 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page