top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael

Ang mga Archangel o Arkangel ay mga espesyal na anghel ng Panginoon ay mga mensahero na may iba't ibang trabaho. Isa sila sa may pinaka mataas na katungkulan sa hanay ng mga anghel.


Sa kanilang kapistahan, inaalala natin ang paggabay ng Panginoon sa ating paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan.

Manalangin at humingi tayo ng tulong kay San Miguel sa harap ng matinding temptasyon o panganib.


Manalangin tayo kay San Gabriel upang tulungan tayong tumugon ng "oo" sa tawag ng Diyos tulad ni Maria.


Hingin natin ang tulong ni San Rafael kung tayo ay maysakit o may mahal tayo sa buhay na may karamdaman.


Pinaparangalan natin ang mga arkangel bilang santo. Sila ay paalala na ang Diyos ay lagi nating kasama na may malasakit sa ating pangangailangan kaya't sila'y ipinadala para sa ating mga espesyal na pangangailangan.


Source:

http://saintsresource.com/archangels



28 views0 comments

Comments


bottom of page