top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni Santa Teresa ng Batang Hesus


Ipinanganak si St. Therese noong 1873. 15 years old siya noong naging Carmelite nun. Sinundan niya ang yapak ng kanyang 3 nakatatandang kapatid na nag-madre din.


Bilang batang madre, nagkaroon siya ng pangitain ng sanggol na Hesus. Naniwala siya na isa itong mensahe mula sa Panginoon na bagamat maliit siyang babae siya ay malaki at malakas dahil sa pagmamahal ng Panginoon.


Sa kanya, ang maliit na bagay tulad ng pagngiti sa mga taong hindi siya gusto, kumain ng pagkain na hindi nagrereklamo at inaako ang sisi kahit hindi naman niya kasalanan. Ang tawag niya rito ay "Little way" o ang "maliit na bagay". Ang "Little way" niya ang modelo para sa mga ordinaryong tao na mapalapit sa Diyos.


Magaling din siya magsulat! Sumulat siya ng mga libro na binabasa pa rin magpasahanggang ngayon tulad ng "The Story of a Soul." Nang siya ay mamatay sa edad na 24, ipinadala ng kanyang kapatid ang lahat ng kanyang sanaysay o essay sa ibang mga kumbento kaya sumikat ang kanyan "Little Way".


Tinatawag siya na "Little Flower of Jesus" dahil gustong gusto niya ng bulaklak at tinatawag niya minsan ang kanyang sarili na "Little flower of Jesus".


Siya ay naging ganap na santo noong 1925 at noong 1997 ipinroklama siya ni St. John Paul II na Pantas ng Simbahang Katoliko.


Source:

http://saintsresource.com/therese-of-lisieux

19 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarii


bottom of page