top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni Santa Rosa ng Lima

Feast Day: August 23

Patrona ng mga hardinero, mambuburda at mambubulaklak o florist


Bata pa lang si Isabel De Flores ay natatangi na ang angkin niyang ganda. Sa sobrang ganda niya ay pinalayawan siyang "Rose", ang pinakamaganda sa lahat ng mga bulaklak. Noong siya ay kumpilan, pormal niyang kinuha ang pangalang Rose.


Siya ay may natural na talento sa paghahalaman at mahilig siyang mamalagi sa hardin. Habang inaalagaan niya ang mga halaman ay nagdadasal siya at lumalim ng husto ang kanyang pagmamahal sa Panginoon.


Ginusto na niyang magmadre ngunit hindi pumayag ang kanyang mga magulang. Ang nais nila ay tumulong siya sa kanilang pamilya, mag-asawa at magkapamilya. Kapag pinupuri ang kanyang ganda o manliligaw ay ginugupit niya ang kanyang buhok at pinapahiran ng sili ang kanyang mukha para para magpaltos ang kanyang balat. Pinanatili niya ang kalinisan ng kanyang pagkadalaga.


Kalaunan ay pumayag ang kanyang magulang na sumali siya sa Third order of St. Dominic. Dahil hindi siya makapanirahan sa kumbento ay lumipat si Sta. Rosa sa kubong nakatayo sa kanilang hardin. Upang kumita ay nagbebenta siya ang mga bulaklak mula sa kanilang hardin at sa gabi naman ay nagbuburda. Itinulong niya ang kinikita niya sa kanyang pamilya at sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.


Sa tulong ng kanyang kapatid ay nagpagawa siya ng mga kuwarto sa kubo upang kupkupin ang mg batang walang tahanan at ilang matatanda. Siya ay napamahal ng husto sa kanilang bayan.


Ginugol niya ang kanyang buong pagkatao sa paglilingkod kayat at hindi niya inalagaang mabuti ang kanyang katawan. Namatay siya sa edad na 31 taong gulang. Napakaraming dumalo sa kanyang lamay bilang paggalang at pagpapasalamat sa Panginoon sa biyaya ibinigay Niya sa katauhan ni Sta. Rosa.


🙏 PANALANGIN KAY SANTA ROSA NG LIMA

Source: http://saintsresource.com/rose-of-lima

28 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page