Feast Day: August 27
Patron ng mga ina, mga may problema sa asawa, mga lulong sa alak at pagbabagong loob
Ipinanganak si Santa Monica sa Tagaste, North Africa noong taong 331.
Kaugalian noong mga panahong yon na piliin ng magulang ang mapapangasawa ng kanilang mga anak. Ang asawa ni Sta. Monica na si Patricius ay hindi naging mabuting asawa. Siya ay marahas na tao at kalimitang nilulustay ang kanilang pera.
Sa kabila nito ay mahal na mahal ni Santa Monica ang kanyang asawa. Araw araw ay mataimtim siyang nananalangin upang baguhin ng Panginoon ang kanyang asawa. Noong una ay hindi naniniwala ang kanyang asawa ngunit kalaunan ay nagkaroon ng pagbabago sa kanyang puso at siya'y nagpabinyag.
Isa sa mga anak ni Santa Monica at Patricius ay si St. Augustine. Noong siya ay bata pa, ay nabubuhay siya sa kasalanan. Gabi gabi ay umiiyak siya't nananalangin na magbalik-loob sa tamang landas ang kanyang anak. Sa wakas ay dininig ang kanyang panalangin makalipas ang labimpitong (17) taon! Nagbagong loob si St. Augustine at naging isa sa mga pinaka-prominenteng relihiyoso magpasahanggang ngayon.
🙏 PANALANGIN KAY SANTA MONICA
Source: http://saintsresource.com/monica
Comments