top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni Santa Maria Magdalena


Mary Magdalene o Santa Maria Magdalena | July 22

Patron ng nagbabagong buhay, nagbabalik-loob sa Panginoon, kababaihan, gumagawa ng mga pabango, nag-aayos ng buhok o hairdresser


Matapang si Santa Maria Magdalena! Noong hinatulan nang mamatay si Hesus any naroon si Santa Maria hanggang sa huli. Hindi niya iniwan si Hesus hanggang sa Siya'y ilibing. Una rin na pumunta si Santa Maria sa libingan upang pahiran ng langis ang katawan ni Hesus. Nagulat siya dahil wala na siyang nadatnang katawan at bagkus isang lalaking napagkamalang niyang hardinero ang naroon. Noong magsalita ang lalaki ay doon niya lang nakilala na Siya pala si Hesus na muling nabuhay!


Ang istorya ni Santa Maria Magdalena ay istorya ng pag-asa at pagmahal. Siya ang naunang magsabi sa mga disipolo na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay.


📖 Pagbasa: Juan 20, 1-2. 11-18


Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!”


Si Maria’y nakatayong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, ang isa’y sa gawing ulunan at ang isa nama’y sa paanan. Tinanong nila si Maria, “Ale, bakit kayo umiiyak?” Sumagot siya, “Kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan nila dinala.” Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Hesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Tinanong siya ni Hesus, “Bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Akala ni Maria’y siya ang tagapag-alaga ng halamanan, kaya’t sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko.” “Maria!” ani Hesus. Humarap siya at kanyang sinabi, “Raboni!” — ibig sabihi’y “Guro.” “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakapupunta sa Ama,” wika ni Hesus. “Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.” Kaya’t si Maria Magdalena’y pumunta sa mga alagad at sinabi, “Nakita ko ang Panginoon!” At tuloy sinabi sa kanila ang bilin ni Hesus.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


🙏 PANALANGIN KAY SANTA MARIA MAGDALENA

Source:

http://saintsresource.com/mary-magdalene


19 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page