Feast Day: August 11
Patron ng telebisyon, media, mga sakit sa mata, mga buntis at mga babaeng nahihirapang magbuntis
Si St. Clare o Santa Clara ay ipinanganak sa Assisi, Italy noong 1194. Noong siya ay 15 taong gulang ay gusto na siyang ipakasal ng kanyang magulang ngunit ayaw niya. Sa kanyang isip, may ibang buhay na nakalaan para sa kanya.
Minsan ay napakinggan niyang nangangaral ng Mabuting Balita si St. Francis of Assisi. Sa oras ding iyon ay naliwanagan ang kanyang isip sa kung ano ang gagawin niya sa buhay niya at yon ay ang mamuhay ng payak at ialay ang buhay kay Hesus.
Noong 18 siya ay lumayas siya sa kanilang tahanan upang maging tagasunod ni St. Francis. Dinala siya ni St. Fancis sa Benedictine convent. Maalipas ang dalawang linggo ay sinundan siya ng kanyang kapatid na si St. Agnes of Assisi na ikinagalit nang husto ng kanilang ama. Ipinasundo ng kanilang ama si St. Agnes mula sa kumbento upang iuwi ngunit hindi nila siya napilit.
Sa gabay ni St. Francis ay itinayo ni Sta. Clare ang kumbento ng mga "Poor Clares". Hindi sila kumakain ng karne o nagsusuot ng sapatos. Sa sahig silang natutulog at madalang na nagsasalita. Payak at simple man ang kanilang pamumuhay ay masaya sila. Kalaunan, ang mismong ina nila na si Ortolana ay naging madre rin tulad nila.
Marami ang humahanga sa buhay pananampalataya ni St. Clare. Napakalalim ng kanyang tiwala sa Panginoon. May isang beses na sinasabing may dumating na mga sundalo sa Assisi upang sila ay usigin. Sinabi ni Sta. Clara na huwag silang matakot at manalig lamang na sila ay ililigtas. Matapos manalangin na sila'y iligtas sa kapahamakan ay lumisang bigla ang mga sundalo!
💡 Bakit nga ba patron ng telebisyon si Sta Clara? Ayon sa kuwento ni Pope Pius XII ay noong minsang nakaratay si Sta. Clara sa higaan dahil sa matinding sakit ay nanalangin siya na sana'y makappagmisa siya. Agaran ay nagkaroon siya ng pangitain ng nagaganap na Misa mula sa kanilang kapilya.
🙏 PANALANGIN KAY SANTA CLARA NG ASISI
Source: http://saintsresource.com/clare-of-assisi
Sandigan - Diocese of Malolos @sandiganmalolos
Comments