Ipinanganak noong 1581 sa mahirap na pamilya si St. Vincent de Paul. Siya ay nag-aral sa mga Franciscan. Dahil sa angkin niyang talino ay karaniwang siyang kinukuha para mag-tutor ng mga anak ng mayayamang pamilya sa kanilang lugar. Ginamit niya ang kanyang naipong kita para makapag-aral ng theology sa University of Toulose at naging pari noong 1600.
Mga taong 1605, ay naglayag siya para sa isang misyon ngunit nabihag at ibinenta bilang alipin. Siya ay kalaunang nakatakas at bumalik sa France at nanumbalik sa kanyang paglilingkod bilang pari.
Nagkaroon siya ng labis na pagmamahal sa mga mahihirap kaya’t ginugol niya ang kanyang buhay para tulungan sila sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga misyon at pagtatayo ng mga osipital. Kalaunan ay pinalawak niya ang kanyang pagtulong sa mga nakapiit sa kulungan. Dahil sa lawak ng kanyang misyon ay itinatag niya ang Ladies of Charity at ang Congregation of Priests of Mission o mas kilala ngayong mga Vincentians.
Source:
Comments