top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Roque


Feast Day: Aug 15

Patron ng mga binata, aso, mga napagbintangan, lumpo, nag-oopera (surgeon), Botika, Manlalakbay (pilgrim)


Si St. Roch o mas kilalang San Roque ay ipinanganak sa isang mayaman na pamilya noong 1295 sa France. Sinasabi na ang kapanganakan mismo ni San Roque ay isang himala dahil ang kanyang ina ay baog. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin ay ipinagbuntis siya ng kanyang ina at nang ipinanganak ay may nunal na krus sa dibdib.


Noong siya ay 20 taong gulang ay namatay ang kanyang mga magulang. Ipinamahagi niya sa mga mahihirap ang lahat ng minana niyang kayamanan tulad ni St. Francis of Assisi.


Inilaan niya ang kanyang panahon sa pangangalaga ng may sakit noong panahon ng pandemya sa France. Kalaunan ay nahawa rin siya at nagkaroon ng sugat sa binti. Siya ay pinalayas sa kanilang lugar at nagtago sa gubat. Nanganib siyang mamatay kundi sa bukal na himalang lumabas kung saan siya naroon. Araw araw ay may dumadating na aso na nagdadala sa kanyan ng tinapay at dinidilaan ang kanyang sugat. Siya ay gumaling!


Nagbalik siya sa kanyang bayan ngunit hindi nakilala. Sa pag-aakalang siya ay espiya ay ipinahuli isya ng kanyang tiyuhin at ikinulong. Limang taon siyang nakakulong at kalaunang namatay. Dito lang siya nakilala nang makita ang nunal na krus sa kanyang dibdib.


🙏 PANALANGIN KAY SAN ROQUE

Source: https://www.gostroch.com/storyofstroch

43 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page