Ipinagdiriwang natin ngayong araw, June 29 ang Kapistahan ni San Pedro at Pablo. Hindi lamang sila ang mga unang apostol at misyonero ni Hesus, sila rin ang mga naunang martir ng pananampalataya!
Si St. Peter o Pedro ay isa sa mga Apostoles ni Kristo at kauna-unahang Obispo ng Roma. Noong makilala ni Hesus ang noo'y si Simon ay nakitaan na Niya ng malaking potensyal na magiging matatag siyang pinuno balang-araw. Pinalitan ni Hesus ang pangalan ni Simon at ginawang Peter o Pedro na ang ibig sabihin ay "rock". Ito aniya ang magiging pundasyon ng Kanyang simbahan.
Si St. Paul o Pablo naman ay ipinanganak na Saul ang pangalan. Noong una ay inuusig niya ang mga sinaunang Kristiyano at nais niyang talikuran nila si Hesus. Nang minsan ay papunta siyang Damascus, nagliwanag ang langit at siya'y nabulag! May tinig siyang narinig mula sa langit na ang sabi "Saul, Saul, bakit mo ako inuusig?" Ito ang tinig ni Hesus. Makalipas ang 3 araw ay pinuntahan siya ng isa sa mga disipolo ni Hesus at bininyagan. Siya ay napuspos ng Espiritu Santo at nanumbalik ang kanyang paningin! Binansagan siya ng mga taong Paul bunsod ng kanyang pagbabago.
Parehong naging martir si San Pedro at Pablo sa pag-uusig ni Nero. Si San Pedro ay ipinakong pabaligtad at si San Pablo naman ay pinugutan ng ulo. Malaki ang naging papel ni San Pedro at Pablo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Sa sermon ni San Agustin ay sinabi niya ito:
"Both apostles share the same feast day, for these two were one; And even though they suffered on different days, they were as one. Peter went first, and Paul followed. And so we celebrate this day made holy for us by the apostles' blood. Let us embrace what they believed, their life, their labors, their sufferings, their preaching, and their confession of faith." (Sermon 295)
🙏 MANALANGIN TAYO -
Sources:
Comments