top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Maximilian Maria Kolbe

Feast Day: Aug 14

Patron ng mga preso, pamilya, pro-life at manunulat


Si Maximillian Kolbe ay ipinanganak na si Raymund Kolbe sa isang mahirap na pamilya noong 1914 sa Poland. Salat man sa yaman ang kanilang pamilya ay napakayabong naman ng kanilang pananampalataya.


Malalim ang debosyon ni Maximillian kay Inang Maria kaya't noong na ordinahan siyang Franciscan priest ay pinalitan niya ang kanyang pangalan na "Maximillian Maria". Matapos ang kanyang pag-aaral sa Roma ay bumalik siya ng Poland at gumamit siya ng mga modernong imprenta upang mangaral ng Mabuting Balita. Gumawa siya ng buwanang newsletter na kalaunan ay naging araw-araw na labas tulad ng diyaryo.


Noong World War II ay tumulong si Maximillian na magtago ng mahigit kumulang 2,000 na hudyo sa kanilang monasteryo. Noong 1941, ay nahuli siya ng mga Nazi at pinahirapan.


Isang araw ay may mga presong nakatakas sa bilangguan ng mga Nazi. Bilang parusa ay kumuha ng 10 katao ang mga kumander upang gutumin hanggang mamatay. Boluntaryong ipinalit ni Maximillian ang kanyang sarili kapalit ng isang preso. Araw araw ay nagmimisa siya para sa mga nahatulang mamatay. Kalaunan ay nilason siya sa pamamagitan ng lethal injection.


Noong 1982, sa kanonisasyon ni St. Maximillian Kolbe ay tinagurian siya ni Pope John Paul II na "martyr of charity" at naroon sa selebrasyong iyon si Franciszek Gajowniczek, ang preso na iniligtas ni St. Maximillian Kolbe sa kamatayan sa kamay ng mga Nazi.


🙏 PANALANGIN PARA KAY ST. MAXIMILLIAN KOLBE

Panalangin kay San Maximilian Kolbe hango sa katha ni Fr. Ton Sibug

14 Agosto 2022

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page