top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Matias, Apostol

Updated: May 20, 2024

Kapistahan: May 14

Patron ng mga karpintero, sastre o tailor, at hinihingan ng pamamagitan sa mga panalangin ukol sa pagtitiyaga at pag-asa


Isa si St. Matthias o San Matias sa mga unang disipulo ni Hesus, bagamat hindi siya kabilang sa 12 apostles. Siya ay saksi sa lahat ng mga gawa at himala ni Hesus mula sa Kanyang pagbibinyag hanggang sa Kanyang Ascension o pag-akyat sa langit. Bago pa man ang Pentekostes ay napili na siya ng mga apostoles na ipalit sa posisyong naiwan ni Judas nang siya ay magpakamatay.


Kaunti lamang ang nasusulat o nalalaman sa kanyang buhay nang siya ay humayo upang tuparin ang kanyang misyon. May isang mensahe si San Matias na akma sa ating panahon ang nakita sa mga sulat ni Clement ng Alexandria. Ayon daw kay San Matias ay tungkulin natin na bantayan ang ating mga katawan na hindi ito mapalayaw at tuluyang mahulog sa kasalanan. Kailangan din natin pagyabungin ang ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng pananampalataya at karunungan.


🙏 PANALANGIN KAY SAN MATIAS

+ O Diyos, na nagtalaga kay San Matias na mapabilang sa linya ng mga Apostoles, ipagkaloob mo, na sa kanyang pananalangin, maipagdiwang namin ang inilaan mong pag-ibig sa bawat isa at mapabilang din sa iyong piniling mga lingkod. Sa pamamagitan ni Kristo, nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.


San Matias, Ipanalangin mo kami. Amen.


36 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page