top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Marcos, Ebanghelista


Feast Day: April 25

Patron ng mga abogado, doktor ng mata, nakapiit sa kulungan o bilanggo at mga parmasyotiko (pharmacists)A


  • Isa si St. Mark o San Marcos sa apat na ebanghelista na sumulat sa Bagong Tipan o New Testament

  • Hindi kabilang si San Marcos sa 12 apostles at sinasabing hindi rin sila nagkakilala ngunit sa kanya ang kinikilalang pinaka-unang Ebanghelyo na naisulat na base sa kuwento ni San Pedro na siyang nagbinyag sa kanya bilang Kristiyano

  • Si San Marcos ang nagtatag ng simbahan sa Egypt at naging obispo ng Alexandria kung saan siya kalaunan namatay bilang martir ng pananampalataya

  • Sinasabi na nakatulong ang Ebanghelyo ni San Marcos na maisulat ang mga Ebanghelyo ni San Mateo at Lucas

  • Ang simbolo ni San Marcos ay leon na may pakpak

🙏 PANALANGIN KAY SAN MARCOS EBANGHELISTA

O San Marcos, tagapagtanggol ng pananampalataya at mangangaral ng Mabuting Balita, kami po ay humihingi ng inyong tulong at patnubay.


Tulungan ninyo kaming magpakatatag sa aming pananampalataya at maging tapat sa aming mga tungkuling magbahagi ng Magandang Balita Ni Hesus sa lahat ng aming makakausap. Tulungan ninyo po kami na magpakatatag sa pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok at hamon na aming hinaharap.


Nawa'y ang mga salita ng Ebanghelyo na inyong isinulat ay patuloy na magbigay ng inspirasyon at patnubay sa amin sa aming paglalakbay patungo sa buhay na walang hanggan.

San Marcos, ipagpanalangin mo po kami at ang lahat ng nangangailangan ng inyong tulong at patnubay. Amen.



23 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page