top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita

Si St. Luke o San Lucas Ebanghelista ang sumulat ng ikatlong Ebanghelyo sa buhay ni Hesus. Bagamat hindi sila nagkakilalang personal ay nakilala ni San Lucas si Hesus sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga saksi sa Kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay. Nang marinig ni San Lucas ang mga kwento ay napaniwala siya sa pagliligtas ni Hesus kaya't isinulat niya ang lahat ng ito upang malaman din ng iba.


Si San Lucas ay manggagamot at nakasama sa misyon at paglalakbay ang kanyang matalik na kaibigan na si St. Paul o San Pablo. Tinawag ni San Pablo na minamahal niyang manggagamot sa Colossians 4:14. Dahil dito, naging patron si San Lucas ng mga doktor at manggagamot. Si San Lucas ay patron din ng mga artists o manlilikhang sining dahil sa pagpinta niya ng larawan ni Inang Maria.


Sa Ebanghelyo ni San Lucas, nakilala natin si Hesus na may malalim na pagmamahal at pag-aaruga sa mga may sakit, mahihihirap at lahat ng nangangailangan ng awa at pagpapatawad. Isa sa mga pinaka tanyag sa kwento sa Ebanghelyo ni San Lucas ay ang "Mabuting Samaritano" at "Ang Alibughang Anak" o "Prodigal Son"


Si San Lucas din ang may akda ng "Mga Gawa" o "Acts of the Apostles" kung saan natin natutuhan ang pagdating ng Espiritu Santo, mga gawain ng mga Apostoles lalo na ni San Pablo at kung paano unti unting lumalaki ang simbahan sa mundo.



🙏 PANALANGIN KAY SAN LUCAS EBANGHELISTA

O kahanga-hanga at maluwalhating Ebanghelista, San Lucas, na dahilan sa dakila at wagas mong pagmamahal sa Panginoong Hesukristo ay inialay mo ang buong buhay mo sa Kaniya. Mula ng samahan mo ang Apostol ng mga hentil na si San Pablo na matalik mong kaibigan, upang palaganapin ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.


Ang Mabuting Balita ng buhay ng ating Panginoong Jesukristo hanggang sa pagsulat mo ng pagsaksi sa Panginoon gamit ang iyong sariling dugo bilang tinta ng iyong pluma sa pagdanak ng iyong dugo noong ika'y kaladkarin at bitayin sa puno ng Olibo bilang isang magiting na martir.


Dala ng aking lakas ng loob na walang sinumang narinig na tumawag sa iyo na hindi nagkamit ng tulong noong ikaw ay tumutulong at gumagamot sa lahat ng may karamdaman ng walang bayad o kapalit, maging pangkatawan o pangkaliluwa, lumalapit ako sa iyo upang hingin ang biyayang ito... (Banggitin ang kahilingan)


Basbasan mo po kami ng Iyong mapagpagaling na kamay na siyang instrumento ng Diyos upang tumulong sa amin ng walang kapalit, kundi ang kalooban mong kilala namin at mahalin Siya ng walang hanngan. Amen.


SAN LUCAS Ebangelista, ipanalangin mo po kami!



Source: http://saintsresource.com/luke-the-evangelist

https://www.facebook.com/SanIldefonsoDeGuiguinto/posts/panalangin-kay-san-lucas-evangelista-patron-ng-mga-manggagamot-manunulat-alagad-/2166267830146595/


21 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page