top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir

Feast Day: Aug 10

Patron ng mahihirap, tagaluto, estudyante, bumbero at mga komedyante


St. Lawrence ay isang diyakono ng Roma noong mga unang araw ng pagkakatatag nito. Noong mga panahong iyon ay inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano. Isang araw ay dumating ang isang opisyal ng Roma upang hingin ang lahat ng kayamanan ng simbahan.


Nagulat ang lahat nang siya ay pumayag ngunit humiling ng tatlong araw para likumin ang mga kayamanan ng simbahan. Sa loob ng mga araw na ito ay ibinenta niya ang lahat ng mga kagamitan at ipinamahagi ang nalikom na pera sa lahat ng nangangailangan: sa mga mahihirap, may sakit at mga balo. Nang dumating ang tinakdang araw ay ipinakita ni St. Lawrence sa opisyal ang mga taong ito at sinabing, "Sila ang tunay na yaman ng simbahan!"


Sa galit ng opisyal ay agad siyang ipinapatay nsa pamamagitan ng pag-ihaw sa kanya sa nagbabagang apoy. Sinasabi na habang siya ay iniihaw ay sinabi niya sa mga umuusig sa kanya na siya ay baliktarin dahil luto na ang isang bahagi ng katawan niya.


Isa si St. Lawrence sa mga magigiting na bayani ng simbahan, ang huli sa mga diyakono ng Roma na minartir para sa pananampalataya.


🙏 PANALANGIN KAY SAN LORENZO, DIYAKONO AT MARTIR

Source:

http://saintsresource.com/lawrence-of-rome

12 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page