top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Juan Vianney

Feast Day: August 4

Patron ng mga Pari


🤲 Happy Priest Day sa lahat ng mga pari! | Ipinanganak noong 1786 sa isang mahirap na pamilya si St. Jean-Baptiste-Marie Vianney. Noong French revolution ay bawal magsimba ang mga Katoliko ngunit pinipilit ng pamilya ni St. John na makapagmisa. Nang dahil dito ay itinuring ni St. John na mga bayani ang mga pari at inasam na siya mismo ay maging pari.


Noong 1809 ay sapilitan siyang lumaban sa giyera kahit na noong panahong iyon ay nagsisimula na siya sa kanyang religious studies. Kalaunan ay nasugatan siya habang nakikidigma kaya't nahiwalay siya sa mga kasamahang sundalo. Siya ay napadpad sa bundok at doon siya nakapagtayo ng paaralan. Nang matapos ang giyera ay binigyan sila ng amnestiya ng gobyerno at naipagpatuloy niya ang kanyang pagpapari.


Halos maibagsak ni St. John ang Latin pero nakitaan siya ng kabutihan ng kanyang obispo kaya't siya'y naordinahang pari. Hindi man siya maituturing na matalinong tao ay napukaw naman niya ang puso't isipan ng mga parokyano niya at siya ay minahal ng lahat. Marami ang gustong magkumpisal sa kanya.


Napakaraming tao ang naglalakbay mula sa malalayong lugar makapagkumpisal lamang sa kanya. Minsa'y inaabot siya pa siya ng 16 hours sa pagkukumpisal.


Nagtayo din ng bahay ampunan at paaralan at ginamit niya ito upang maturuan ang mga naulila na manampalataya.


Sa loob ng 41 taon ang nagsilbi sa maliit na parokya sa Ars, France si St. John. Payak na komunidad man ang kayang pinaglingkuran ay napamahal siyang lubusan sa napakaraming tao sa France. Noong namatay siya sa edad na 73 ay dinaluhan ang kanyang lamay ng libu-libong tao para makiramay.

Source:

http://saintsresource.com/john-vianney

https://www.ioamogesu.com/


71 views0 comments

Comments


bottom of page