Feast Day: September 13
Patron ng Edukasyon, Epilepsy, Mangangatha, at Mangangaral
Ayon sa kwento ng kanyang buhay ay mahina ang katawan ni San Juan Crisostomo. Ngunit kung ano naman ang hina ng kanyang katawan dulot ng sakit niya sa sikmura ay ganun naman katatas ang kanyang pananalita.
Hindi pinipili ni San Juan ang pinatutungkulan ng kanyang pangaral at homiliya, ang lahat ay pinipilit niyang ituwid ano pa man ang antas nila sa buhay. Ang ilan niyang sermon ay minsa'y umaabot pa ng hanggang 2 oras!
Hindi natutuwa ang mga maharlika lalo na't sa palagay nila ay sila ang pinatutungkulan ng kanyang pagtutuwid. Maraming obispo ang nalantad ang pamumulitika at napatalsik sa puwesto. Nang dahil dito ay nagsabuwatan ang arsobispo ng Alexandria na si Theopilus at reyna emperatriz na si Eudoxia upang siya ay patalsikin at ipatapon sa malayong lugar kung saan siya namatay.
“Don’t search for God in faraway lands. He is not there. He is close to you. He is with you. Just keep that lamp burning, and you will always see him.”
💭 Pagninilay
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang katotohanan, kabutihan at katarungan?
Source:
https://www.franciscanmedia.org/saint-of-the-day/saint-john-chrysostom
Comments