top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Juan Bosco, Pari

😇 #saintoftheday | San Juan Bosco o St. John Bosco | Jan 31

Patron ng mga mag-aaral, tagapaglathala (editor), mga kabataan, salamangkero at juvenile delinquent




Si St. John Bosco ay ipinanganak noong 1815 sa Italy. Namatay ang kanyang ama nung 2 taong gulang. Naging pastol siya noong siya ay bata pa ngunit dahil sa kanyang pagnanais na matuto ay nag-aral siya sa isang seminaryo at naging pari noong 1841.


Noong siya ay naging pari, siya ay naging "ama" sa libu-libong bata. Paano niya ito ginawa? Nagtayo siya ng paaralan para sa mga mahihirap na batang lalaki.


Karamihan sa mga estudyante niya ay mga anak ng mga bilanggo. Nakilala niya ang mga ito nang siya ay bumibisita sa kulungan bilang bahagi ng kanyang misyon. Ang mga batang lalaki na ito ay nakatira na rin sa kulungan o sa kalye. Sa kanyang awa ay doon na sa paaralan tumira at kumain ang mga batang lalaki.


Tinuruan niya na gumawa ng mga damit, sapatos at libro ang mga bata kaya nung lumaki sila ay nakakuha sila ng trabaho. Tinuruan niyang mahalin ng mga batang ito ang Panginoon at lumaking mabuti ang mga batang it. Kalaunan ay nagtayo din si St. John Bosco ng ganitong paaralan para naman sa mahihirap na babae.


Dahil sa dumami na ng husto ang mga batang kailangan nilang turuan at alagaan ay itinayo niya ang mga Salesians, mga pari na tumutulong sa mga lalaki at ang Daughters of Mary Help of Christians, mga madre na tumutulong naman sa mga babae.


Noong mamatay si St. John Bosco sa edad na 73, mayroon nang 250 Salesian houses sa buong mundo at karamihan sa kanyang mga "anak" mga inaruga at bumuti ang buhay dahil sa kanya ang nagtulak sa siya ay maging santo.


🙏 PANALANGIN KAY SAN JUAN BOSCO

+ O San Juan Bosco, guro at ama ng mga kabataan, bigyan mo kami ng bukas na isipan.  Bigyan mo kami ng pananampalatayang buhay na laging handang sumunod sa kalooban ng Panginoon. At pagkatapos ng aming paglalakbay dito sa lupa kami'y hintayin mo sa kalangitan, Amen.


Source:


20 views0 comments

Recent Posts

See All

Bình luận


bottom of page