top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Ignacio ng Loyola

Updated: Jul 31, 2023


Feast Day: July 31

Patron ng Society of Jesus o Heswita, mga sundao at retreat


Si Saint Ignatius ay pinanganak sa prominenteng pamilya sa España noong 1491. Siya ang bunso sa 13 magkakapatid.


Noong lumaki, siya’y naging sundalo. Isang araw habang lumalaban sa mga Frances ay tinamaan siya ng bala ng kanyon sa binti at isang taon naratay sa higaan. Habang siya’y nakaratay ay nakapag-aral siya ng bibliya at mga buhay ng mga santo. Kalaunan, sa kanyang paggaling ay hindi na siya bumalik sa pagsusundalo; natagpuan na niya ang tunay na kaligayahan sa Panginoon.


Sa kanyang paglalaan ng kanyang sarili sa pag-aaral ng bibliya at ng mga buhay ng santo ay nakita niya ang Panginoon sa lahat ng bagay. Ang lahat ng kilos at gawa, desisyon at plano ay dapat nagtutungo sa higit na kaluwalhatian ng Diyos! Bilang tanda ng kaganapan ng kanyang pagbabagong buhay ay nagtungo si St. Ignatius sa isang monasteryo at inialay niya ang kanyang uniporme pang-sundalo sa paanan ni Inang Maria.


"Ad Majorem Dei Gloriam" - San Ignacio de Loyola

Ipinagpatuloy ni St. Ignatius ang kanyang pag-aaral at pinalalim niya ang kanyang kaalaman sa pananampalataya. Noong 1540, kasama ng anim na iba pa, ay binuo nila ang Society of Jesus o Jesuits. Si St. Ignatius ang kanilang lider.


Ipinadala ni St. Ignatius ang mga Jesuits isa iba't ibang sulok ng mundo at doon sila nagtayo ng mga paaralan upang ituro ang mga gawa ng Panginoon.


Maraming sikat ng panalangin ang ginawa ni St. Ignatius at mga kasamahan. Kabilang dito ang Anima Christi at Prayer for Generosity.


🙏 PANALANGIN NI SAN IGNACIO - ESPIRITUNG BANAL NI KRISTO (Anima Christi)

Source:

http://saintsresource.com/ignatius-of-loyola

https://www.ignatianspirituality.com/ignatian-prayer/

25 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page