top of page
Search
Writer's pictureKatoLago Media

Kapistahan ni San Francisco ng Assisi

Si Francis Bernardone ay ipinanganak sa Italy noong 1181. Mula siya sa mayaman at prominenteng pamilya. Noong siya ay bata pa mahilig siyang mag-party at maglustay ng kayamanan. Para sa kanya, mahalaga ang maraming pera para gastusan ang mga luho niya.


Noong siya ay 21 taong gulang, siya ay lumaban sa digmaan, nahuli at nakulong ng isang taon. Doon sa kulungan ay nagkaroon siya ng panahong pagnilayan ang kanyang buhay at magdasal. Naisip niya na hindi pala mahalaga ang pera at nangakong magbabagong buhay. Ngunit noong siya ay makalaya, hindi nagtagal ay bumalik din siya sa kanyang dating gawi.


Isang araw may nakita siyang ketongin. Iniiwasan ang ketongin ng mga tao dahil ang sakit na ito ay nakakadiri at nakakahawa. Ngunit nang makita ni St. Francis ang ketongin ay naaninag niya ang kabutihan at kagandahan ng Diyos kaya't napayakap siya. Sa isang iglap ay nagbago ang kanyang buhay.


Ipinamigay ni St. Francis ang kanyang kayamanan, at nanlimos na lang. Siya ay nagtuturo ng Mabuting Balita ng nakapaa. Marami ang nahikayat niyang sumunod sa kanyang simpleng pamumuhay at sila ang mga unang naging Franciscans.


Kalaunan ay itinayo niya ang Order of Poor Clares kasama si Santa Clara ng Assisi.

Para kay St. Francis ay mahalaga at maganda ang lahat ng likha ng Panginoon. Kahit saan siya tumingin ay nakikita niya ang pagmamahal ng Diyos. Tinawag niya ang mundo na kanyang ina, ang araw ang kanyang kapatid na lalaki at ang buwan ang kapatid niyang babae. Malapit siya sa mga hayop at kalikasan.


Noong pumanaw si St. Francis sa edad na 44, at sa halip na malungkot ang mga tagasunod niya, siya ay nagpuri sa Panginoon sa pagpapalang dulot ni St. Francis sa kanilang buhay.


🙏 PANALANGIN NI SAN FRANCISCO DE ASIS

Poon, nawa’y ako’y Iyong tulutang

Maging kasangkapan ng iyong kapayapaan.

Sa pagkamuhi, nawa’y maitanim ko ang pag-ibig,

Sa sakit, pagpapatawad, Sa duda, pananalig,

Sa hapis, pag-asa Sa karimlan, liwanag,

Sa kalungkutan, saya.


O Mabathalang Poon, nawa’y di ko hangarin

Ang mamanatag kaysa ang magpanatag,

Ang maintindihan kaysa ang umintindi,

Ang mahalin kaysa ang magmahal.

Sapagkat nasa pagbibigay ang mabigyan,

Nasa pagpapatawad ang mapatawad,

At nasa kamatayan ang buhay na walang hanggan.

Amen.


Source: http://saintsresource.com/francis-of-assisi

http://dalanghangin.blogspot.com/.../panalangin-ni-san...

17 views0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


bottom of page